DISTRACTION

81 14 0
                                    

CHAPTER 38:


*Third person's point of view*


"Go, Hiro!"

"Panalo na tayo, ipukol mo na 'yung bola!"


Ilan lang 'yan sa mga cheer na naririnig ni Hiro mula sa mga kaklase niya. Isa nalang ang kailangan niyang patamaan ng bola at sila na ang mananalo sa activity. Isa doon si Alora na mas nakapagpagulo ng isipan niya ngayon lang.

Kinausap kasi siya nito parang ang tagal na nilang magkakilala. Nakita nito ang mga matang halos mangiyak-ngiyak, hindi dahil sa lungkot kundi sa tuwa. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng dalaga.


"Ano pang tinatayo-tayo mo Hiro? Ipukol mo na sa kanila!" Napatingin si  Hiro sa mga kaklase niya sa likuran. Hindi pa man siya kumikilos ay inagaw ni Phil ang bola at siya mismo ang nagpukol ng bola.


Mabilis ang naging pangyayari at napansin ni Hiro na si Alora ang nakaharap at handang sumalo ng bola.


Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sino ka ba Alora? Ginulo mo ang isipan ko.


Patakbo siyang nagtungo papunta kay Alora at inagapan na dumampi sa kanya ang bola. Niyakap niya si Alora at hinayaan na sa likod niya tumama ang bola. Napahiga silang dalawa sa damuhan at nagkatinginan ng diretso sa mga mata.

Nakatitig lang sa kanya si Alora, at binigyan siya ng ngiti. May parang kung anong nagsasabi sa kanya na hayaan lang ito. Natinag silang pareho at inalalayan si Alora na bumangon. Nauna siyang tumayo at saka inabot ang kamay ni Alora upang makatayo rin.


"Ayos ka lang ba?" Tanong nito kay Alora na pinapagpagan naman ang sarili.


"Mmm, Hiro," sagot ni Alora na parang okay lang ang lahat. Naging kakaiba ang tinig ni Alora para sa kanya nang banggitin nito ang pangalan niya.


Napansin ni Hiro na nakahawak pala siya sa braso ni Alora. Napabitaw siya ng marahan at nag-iwas ng tingin bago humakbang palayo. Napansin rin nito na papalapit si Trevor kay Alora. Kaya nagpasya na itong umalis at sumama sa kaniyang mga kaklase.


"Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" Hindi maalis kay Trevor ang ugaling may pagka-cold pero kahit ganoon ay nakakaramdam siya ng pag-aalala kay Alora. Nakahawak siya sa magkabilang balikat nito at tiningnan ang kabuuan nito.


"Okay lang ako, wala ka namang dapat ipag-alala. We're not in the stage anymore, I am not that naive Alora." May halong inis ang tinig nito nang makasagot at iniiwas ang katawan kay Trevor.


Tinalikuran siya nito at naglakad papalayo. He simply rolled his eyes and licked his lips. Nilapitan siya ni Hiro at inakbayan. Naiinis siya rito dahil kahit pa walang maalala ito ay pakiramdam niya ay isa pa rin itong malaking balakid sa kanya at kay Alora.

Unless Hiro is totally disappeared, Trevor could win Alora's heart.

"Tsk, pwede ba layuan mo 'ko?" Walang kamalay-malay si Hiro kung bakit biglang uminit ang dugo ni Trevor sa kanya.

"Okay, sige!" Napa-hands up pa si Hiro at lumayo ng kaunti. "Init ata ng ulo mo ngayon?" Ngumisi pa ito at tinapik sa balikat si Trevor.


Wala siguro talaga siyang naalala. Mabuti kung gano'n.

Iyan ang nasa isip ni Trevor sa ngayon. Ngayon pa na nagugustuhan niya na rin si Alora, mas pabor sa kanya kung manatiling ganito si Hiro.

Pumunta siya sa library at hinanap ang comic book sa mga bookshelves. Gusto niyang malaman kung totoong nag-iba ang role ni Hiro sa libro.

Nakita naman niya ito kaagad at binuklat ang libro, sa page kung saan naka-drawing ang mga characters ay kasama na si Hiro sa mga extra characters katulad ni Alora. Totoo ngang nabago ang kwento, ngayon ay mahihirapan na si Alora na baguhin ang takbo ng kapalaran niya ngayong nagbago si Hiro.


*End of Third person's POV*


(THE STAGE/ Claire's point of view)


Nag-ipon ako nang lakas ng loob nang makita si Jaxton na naglalakad sa hallway dito sa second floor. Nasa labas ako ng classroom at parang timang na paikot-ikot. Ayaw ko na magkaroon pa ng utang na loob sa kanya, sobra na ang ginawa niya para sa'kin.


"J-Jaxton..." Hinarangan ko kaagad siya bago pa man siya tuluyang magdire-diretso para pumasok. Nasa tapat kami ng bintana, at may ngilang-ngilan lang na tumitingin sa amin.

Hindi ko tuloy alam kung paano 'to uumpisahan sa kanya.

"May problema ba?" Nakapamulsa siya at diretsong nakatingin sa akin. Pansin siguro niyang hindi ako komportable.

Hindi pa man ako nagsasalita ay kinuha ko na sa bulsa ng palda ko ang nakatiklop na pera at nakatali pa ng goma. Ito ang perang naging utang ko dahil namantsahan ko ang uniform niya noon.

"Bayad na 'ko sa utang ko." Sabay lahad ng pera sa kanya gamit pa ang dalawang kamay ko, "D-Dinagdagan ko rin 'yan para sa lahat ng itinulong mo sa'kin.." Nilakasan ko ang loob ko para hindi niya mapaghalataan na medyo kinakabahan ko. Alam ko kasing magagalit siya sa gagawin ko.


"Ilang beses ko uulitin, Claire?" Naging malamig ang tinig nito. "I don't want your money, I-I don't want you to stay away."


"Jaxton..."


Napayuko nalang ako, ayaw ko siyang tingnan. Nagugulo ang isip ko. Hindi ako makapagsalita, wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Ilang sandali rin siyang hindi nakaimik at nagbuntong-hininga.


"Fine. I'll take the money if you insisted. You are not an errand girl anymore," patuloy pa ring malamig at seryoso ang tinig niya.


Sa mga salita niyang 'yon ang nakapagpaistatwa sa akin sandali. Ngayon lang siya naging ganoon sa akin. Parang isang malakas na hangin ang humampas nang makahakbang siya palayo.

Nag-umpisa na ang klase at nandito na ang lahat, maliban kay Jaxton. Nilingap ko siya paligid pero wala siya. Hindi siya pumasok, malamang galit pa rin siya sa'kin.


Habang nagkaklase ay biglang nagkaroon ng feedback ang mga speakers na nakakabit sa dingding ng classroom. Kunektado ito sa radio/announcement room ng school. Natigilan kaming lahat nang may biglang magsalita.


"Calling the attention of everyone," boses ito ng isang babae na medyo maarte ang tinig. "This is me, Becky." Pinagdiinan pa nito ang pangalan niya.


Tumingin ako sa pwesto ni Becky, wala rin pala siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba, alam kong ako ang punterya niya.

"I just want you to know, na si Claire ay malandi at cheap na babaeng lapit nang lapit kay Jaxton!"

Napayuko ako, ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya. Masyado niya na akong sinisira hindi lang kay Jaxton kundi sa mga estudyanteng makakarinig.

"S-Sorry Jaxton, nagpaalam naman ako sa principal e.."

Bigla akong nag-ayos ng upo, nanlaki rin ang mga mata ko nang marinig na binanggit ni Becky si Jaxton. Ilang sandali pa ay muling nagfeedback ang mga speakers, mas lalong tumahimik ang buong klase.

"Claire, nakikinig ka ba?" Boses ni Jaxton ngayon ang narinig ko.

"Oo, oo. N-Nakikinig ako." Ewan ko pero parang naging attentive nalang ako bigla kahit hindi niya naman ako naririnig.


"Claire, I don't want you to be my errand girl. I like you, I really like you."

Biglang tumingin ang lahat sa akin, iba-iba ang reaksyon nila. Ganu'n rin ako hindi ko alam ang sasabihin ko, pakiramdam ko ay umiinit ang pisngi ko. Naihawi ko ang nakasaboy kong buhok at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kagaya noong una, palagi mong ginugulo ang mundo ko. You are my distraction, Claire. You win because you got my attention, My Woman."



CHAPTER 39 is next, stay updated! Thank you for the genuine support. 💙

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now