FATE OF AN EXTRA

223 55 8
                                    


CHAPTER6:


Matamlay akong pumasok ng school, kahit na parang ang saya-saya ng mga tao sa paligid. Naka-nguso akong naglalakad sa grounds habang naka-hawak ang mga kamay ko sa straps ng bagpack na suot ko. I am so unlucky that day, noong magkausap kami ni Curry fairy. Naudlot pa ang gustong malaman, nakaka-disappoint talaga.



"Yaaa!!" Sabay akong ginulat ni Becky at Karl na bigla nalang sumulpot sa kung saan. Pinagitnaan din nila akong dalawa.


"Huy," ani Karl sa akin nang makitang naka-nguso ako at matamlay na naglalakad. Hindi ko kasi sila binati pabalik.


"Oy, Alora? Anong problema?" anas naman ni Becky at inilapit pa ang mukha sa akin.


"Aiish." singhal ko.


Habang naglalakad kami ay biglang sumakit ang dibdib ko at napayuko ako dahil doon. Napahinto tuloy kaming tatlo, at nag-aalala naman nila akong inalalayan.

Dahil nga may mga medications na ako, at pinasuot ako ni Doc Vin ng isang watch para malaman ang heart rate ko. Tutunog daw ito kapag sumumpong ang sakit ko.

Tiningnan ko ang health watch ko, at hindi pa rin  ito tumitigil sa pagtunog. Mas lalo akong nahihirapan. Pakiramdam ko malalagutan na ako ng hininga.


"Alora!" Narinig ko ang tinig ni Trevor papunta sa amin. Naabutan pa niya na ganito ang sitwasyon ko.


Akala ko sa stage lang ako may sakit, pero bakit sumusumpong ang heart disease ko?


Binuhat ako kaagad ni Trevor, at tumatakbo siyang ipasok ako kaagad sa loob ng school para siguro dalhin sa clinic. Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang mga nangyari.

Nakaupo si Trevor sa isang upuan na nasa loob din ng clinic room nang magising ako. Nakasandig siya doon at nakapatong ang isang binti sa hita niya. Napatayo siya kaagad ng mapansing nagkakamalay ako.


"Mabuti naman at nagising ka na." normal na normal lang ang pananalita niya, hindi ito nag-aalala ngunit hindi rin pagalit.


"S-salamat sa pagtulong mo sa'kin kanina. Kung hindi dahil sa'yo baka napano na 'ko." nahihiya talaga ako sa nangyari. Ayaw ko talagang kinakaawaan ako ng lalaking gusto ko ng halos sampung taon!


Gradeschool pa lang kami ni Trevor, ay gusto ko na siya. Ang totoo ay hindi ko alam. Maybe, liking him was also part of my character. Simula no'n, wala na akong lalaking ginusto kundi si Trevor lang.


"Tss." he hissed. "Sabi ko sa'yo di'ba, 'wag mo na idahilan 'yung pagkakasakit mo para mapansin kita." Tinalikuran niya ako at inilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon niya.


"Sandali, Trevor." Pigil ko sa kanya. "Titigilan na kita kung iyan ang gusto mo." Bumangon ako sa pagkakahiga at sumandig. Mas okay na ito kaysa palagi niya akong ipinagtatabuyan.


"At ano?" Cold pa niyang pakikitungo nang makalingon siya. Napa-ngiwi din siya at inikutan ako ng mga mata. "Sasabihin mo kay Daddy or kay Tito na ayaw ko sa'yo?"


"I won't tell dad, promise. O-or even si Tito Morgan." hindi niya na ako sinagot pa at nag-diretso na palabas.


Kailangang malaman ko ang totoo, bakit totoong may sakit ako?


Pumunta ako ng Cafeteria para hanapin si Curry fairy. Nag-skip ako ng klase, dahil alam nila na masama pa rin ang pakiramdam ko. Sinulit ko na ang pagkakataong hindi ako masisita.

Nagdiretso na agad ako ng kitchen area, at naabutan si Curry fairy na nag-eenjoy at nakaupo habang binabasa ang comic book. Tiningnan ko siya, at agad naman siyang natinag.


"Nabasa ko na, galing ka sa check-up. Huwag mo na ikwento," aniya, at isinara ang buong libro.


"Akin na ang libro." Nakalahad ang kamay ko, at naghihintay na ibigay niya sa akin ang libro.


Ialalagay niya na sana sa cabinet ang libro ng pwersahan kong hablutin iyon. What's so mysterious about it na kailangan pang itago? Well, in fact alam ko naman na ang totoo. Nearly truth, I guess? Unless, mayroon pa nga siyang hindi sinasabi sa akin.

Sa unang page palang nandoon na agad ang illustration ng mga characters, pangalan ng characters at ang papel nila sa kwento. Nadismaya ako ng makita na hindi ako ang bida sa comic na iyon. Hinawakan ko ang page kung nasaan naka-drawing ang mukha ng mga bida.


"Tama ka, ikaw at ako, mga extra lang tayo sa mundong ito," Malungkot na aniya, napatayo siya sa pagkakaupo at napapatong ang mga kamay sa isle table.


"Si C-Claire at si Jaxton ang lead, a-at hindi ako." Nakapako pa rin sa libro ang paningin ko. Inilipat ko ang daliri sa katabing pahina sa may bandang baba, nandoon ang drawing, at ang pangalan ko. "Extras.. Kasama ako." dismayadong saad ko.


"Ngayon alam mo na kung bakit hindi ko pinapakita sa'yo? Dahil alam kong masasaktan ka." hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa sinabi niya.


Inilipat ko sa ibang page ang libro, at nakita ko ang unang scene doon. Noong nagkabanggaan sila sa school grounds, hindi ako ang kausap ni Jaxton kundi si Claire, at pati na rin noong napahiya kami sa cafeteria ay nandito sa comic book, kay Claire nag-aalala si Jaxton, at hindi sa akin!


"Ako ang tulay sa lovestory nilang dalawa? Bakit 'di nalang love bridge ang ipinangalan sa'kin?" Mas lalo akong nadismaya. "Ang unfair naman no'n! Alora, ang tulay sa pag-iibigan ni Jaxton at Claire, 10 years ng may gusto sa lalaking suplado na walang pakialam sa kanya, at may sakit sa puso." sarili kong ni-describe  ang character ko.


Ang totoo, tatlo ang nakalagay na bida sa comic book na iyon. Si Jaxton ang anak ng mayamang may-ari ng Sierra highschool, si Claire, at si Zack na hopeless romantic kay Claire.


"Di'ba dapat matuwa ka? Parte ng buhay ng dalawang bida. Ayaw mo ba ng set-up mo, Hmmm?" Tumaas ang dalawa niyang kilay at nginitian ako.


"Tsh, pati ba 'yung sakit ko parte ng set-up ko? Maging sa shadow ay may sakit ako." Hindi ko matanggap na ang saklap ng kapalaran ko sa kwentong 'to.


"Wala kang magagawa, Alora. Iyan ang ibinigay sa'yo ng Writer. Tanggapin mo kung ano ka sa mundong 'to."


"Tsh, ang clichè naman ng story ng author! Aiissh, childish masyado ang takbo ng story, gets mo?" Naningkit ang mga mata ko, at napangiwi. Parang nag-poker face na rin ako at pabatong ibinalik kay Curry fairy ang libro.


Ewan ko nalang kung hindi mag-cringe ang mga mambabasa ng writer na 'yun. Siguro naman maaawa sak'en ang mga readers niya dahil nakakaawa ang papel ko.

"Mabuti pa at umalis ka na, mamaya magsisimula na ang stage." utos ni Curry fairy.


"Kaya nga, kaya okay lang na nandito ako. Titingnan ko kung mababago ko ang kapalaran ko," lakas loob kong saad.


"Hindi!" agad namang sagot ni Curry fairy. Sumeryoso din ang hitsura niya, mula sa masayahin papunta sa seryosong pagmumukha niya. "Hindi mo kayang baguhin ang nakatakda na, kung ano ang set-up mo ay iyon ang masusunod."


"Pero, sinusulat pa lang niya ang mga susunod na mangyayari. Ipapakita kong ako ang may control sa buhay ko, at hindi siya." Naka-angat ang dalawang kamao ko sa hangin, na parang sinasabing 'fighting!'


"Kung iyan ang gusto mo, pero paalala lang, Wala kang magagawa sa kapalarang naisulat na sa iyo ng writer," Paalala ni Curry fairy na para pang nagbabanta.


"Edi.. Wala, atleast sinubukan ko." Sagot ko at saka umalis ng Cafeteria.


Babaguhin ko kung anumang itinakda ng writer na set-up ng buhay ko. Hindi ko hahayaang controlin ng writer ang kapalaran ko. Ang sakit ko, ang role ko bilang Alora, lalo na ang pagkatao ko. My fate, my life, my feelings  and my decisions.



Author's note:

Thank you for supporting my story. Please leave a vote, and comments if you love the story! 💙

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now