TREVOR'S REJECTION

147 23 5
                                    



CHAPTER 19:


Nakarating na kami sa destination namin, syempre lahat ay excited pa rin. Actually I have no idea where we are. Well, just enjoy the trip and have fun!

Para itong resort, Jaxton always picks the best. Habang naglalakad ka palang papasok, ay makikita na ang magandang bermuda grass sa gilid at mga halamang nandoon, pati na rin ang pool sa gilid na tatagos sa dagat. May rock formation din na tanaw at pwedeng pwede mong masilayan ng malapitan ang dagat kapag nandoon ka.

May mga cottage area, may kainan, convenience store at for sure hotels. Kailangan kasi ng A3 ng headquarters, for their meetings. That's the way they created kaya hindi 'yun mawawala.

Hinanap agad ng paningin ko si nameless extra. Pumwesto pa ako sa isang pahingahan na malapit sa pool, kung saan makikita ang mga naglalakad ng mas maayos.


"He's not here?" I muttered. Luminga-linga pa ako sa paligid kung nandoon siya.


"Who are you looking for?" Nakita ko nalang na nakasunod na pala si Zack sa akin. Malinis lalo itong tingnan sa suot na long sleeves polo na naka-tuck in pa sa brown niyang slacks. Nakasabit din sa katawan niya ang bag nito na naka-crossed sa katawan niya at strap lang ang nakikita sa harap.


"Him. Parang wala siya dito, hindi ko siya makita," sagot ko at naupo sa isa sa mga brown bench doon.


"Aah. You mean, your back?" saad nito, nahawak din ang parehong kamay niya sa strap ng bag  at sinundan ako.


"Y-yeah." I responded immediately.


"Imposible talagang nandito siya, cause he's not even on the list." Nagbaba siya ng kamay at nagpamulsa, nag-ayos din siya ng tindig.


Nakahawak pa ako sa suot kong hat habang patuloy na nililingap si number 13 nang magulat sa sinabi ni Zack.


"W-what?" Nagbaba ako ng kamay at hindi makapaniwala. "That's so unfair!"

Habang nag-uusap kami ay bigla na lang kumaway mula sa malayo si Becky. Naroon sila ni Karl at ng iba pa naming kaklase sa isa mga umbrella sa  cottage area.


"Alora!" tawag ni Becky, dahilan para mapalingon naman ako.


Tinapik-tapik ko sa balikat si Zack, at dumistansya. "See you later, galingan mo kay Claire!"


Pagdating ko sa cottage area ay nandoon din ang iba pa naming kaklase. Sa table namin nina Karl at Becky, nakalabas ang isang basket na puno ng iba't ibang pagkain. Nakakatuwa lang din na ang saya pagmasdan ng lahat.


"I-try mo 'tong isaw, masarap 'to promise!" Alok ni Karl kay Becky ng isang stick ng isaw na itinatapat sa mukha nito.


"Duh, I will never taste that thing!" Inilayo ni Becky ang kamay ang isaw sa mukha niya at umiwas. "Strict ang diet ko, kakainin ko lang din 'yan kung galing kay Jaxton."


"Jaxtooon?" mahaba at 'di makapaniwala ang tinig ni Karl. Nagpoker din ito at paulit-ulit na kinukulit si Becky. Kahit kailan talaga, pasaway si Karl.


"A-YO--" naputol ang sasabihin niya ng biglang ipasok ni Karl ang stick ng isaw sa bibig nito habang nagsasalita.


Hindi na nakaangal pa si Becky, at nginuya ang nasa bibig niya. Kalauna'y nagustuhan din niya at kumuha pa ng isa.



*Sound Clicks* (STAGE BEGINS)


Tiningnan ko ang kabuuan ko. Nasa ilalim ako ng isang palm tree at napapaligiran din ng kaklase naming nakatambay doon.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now