THE SCENE CHANGED

144 41 13
                                    


CHAPTER 10:


*THE STAGE*



The sound that always leads us to go with our character can be a snap of a finger. Parang isang pitik, kayang kaya na ng writer na dalhin ako o kaming mga character sa isang sitwasyon o eksena na hindi inaasahan.

Ngayon naman ay nasa art class na namin kami, nagkakagulo ang iba, at ang iba ay nanahimik lang. My face looks so dissapointed,  I am so unlucky to be part of this comic world.

Kanya-kanya kaming pwesto sa tapat ng mga sari-sarili naming drawing board. Nakangiting naglalakad si Claire papasok ng room, at pa-simpleng dumaan sa pwesto ni Jaxton upang mag-abot ng paint brush. Kinuha naman iyon ni Jaxton, at kahit nasa harap ko siya, alam kong palihim siyang nangiti sa ginawa ni Claire.

Parang akong tangang nakatingin lang sa kanila.



"So this whole place, this whole world is just for two of them? Psh." suminghal ako, at napa-iling.


Umupo na si Claire sa tabi ko, at nakita kong may liwanag sa ulo niya. Parang maliwanag na spotlight, na sa kanya lang naka-sentro.


"Even sunshines glow her up, ano?" I said to myself. Tumingin at ngumiti siya sa akin at nginitian ko lang siya pabalik.


Nakaisip ako ng idea. I hope this works.


"Pwedeng tumabi sa'yo?" magiliw na ani ko at naisukbit sa magkabilang tenga ang buhok ko.


"Sige, walang problema." Nakangiting sagot nito. Masaya rin naman akong tumabi pagkasagot niya.


What? Nasa kanya pa rin ang ilaw?


"Pwede umurong ka pa ng kaunti? Konti lang, promise?" pakiusap ko at sumunod naman siya, hanggang sa mahulog na siya sa pagkakaupo.


"A-anong problema, Alora?" tanong niya, at nakatingin sa akin habang nakasalampak siya sa sahig.


"Ha? Wala naman, gusto ko lang dito. Pwede hanap ka nalang ng ibang upuan? Gusto ko kase yung view dito e, malapit sa bintana, hehe." pagdadahilan ko.


Nice, nasa akin na ang spotlight.


Paglipat niya, ay sumabay din sa paglipat ang sunshine sa ulo niya. Nakita ko pang parang nag-glow ang mukha niya at hinangin ng maganda ang buhok kahit wala namang nakatapat na electric fan sa kanya.


"Psh, ano pa ba ine-expect ko? The spot light is hers. Sa kanila ni Jaxton." dismayadong saad ko sa sarili ko, at napa-poker face na tumingin din kay Jaxton na may liwanag din sa ulo niya.


Natapos na ang stage sa art class, pero hindi pa talaga tapos ang role ko bilang supporting or extra character sa buhay ni Jaxton at Claire.

Nasa harap naman si Claire, at pinagsasagot ng teacher namin sa harapan ng isang math problem. Sa pagkakakilala ko kay Claire, matalino din siya at magaling sa mathematics, pero ngayong nasa stage kami sa tingin ko sinadya ng writer na hindi siya makasagot.


"Who wants to help her?" Tanong ng teacher namin sa buong klase ngunit walang kahit isa ang gustong tumulong kay Claire, ang iba ay pinagtatawanan pa siya ng palihim.


Biglang nagtaas ng kamay si Jaxton, at cool na tumayo. Nagtinginan naman ang mga kaklase namin, at na-amazed sa ginawa ni Jaxton. Pumunta siya sa harapan, at tumabi kay Claire.

Dahil mas matangkad si Jaxton kay Claire, medyo pumunta ito sa likod ni Claire at nagkatinginan naman sila sa isa't isa.

Kailangan ba talagang masaksihan ko pati kung paano mabubuo ang lovestory nila sa harapan ko?

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now