AWARENESS AND DISAPPEARANCE

78 11 5
                                    

CHAPTER 45:

Claire's Point of view:


Walang bago sa bawat araw tuwing nandito ako sa Serriene High, mas lumala pa nga dahil madalas ang dalaw ng mommy ni Jaxton. Siya ang isa sa mga naging kalbaryo ko, mainit ang mga mata niya sa akin.



P.E class at nagkaroon  kami ng activity, kung anu-anong physical exercises ang pinagawa ng teacher namin kaya naman lahat ay pagod na.




"Oh myy! Guys, look," ani Ella at itinuro sa may waiting area ang isang mesa na may mga bottled water, juices at sandwiches na nakapatong doon.




Kasabay nilang lahat ay na- curious din ako sa mga 'yon. Pag-akyat ko palang sa hagdan ng waiting area ay naka-irap na kaagad sa akin si Becky, si Mia at si Ella, at ang palaging nakasunod sa kanilang tatlo, si Yuna. Hindi ko nalang sila pinansin pa at itinuon ang paningin sa mga pagkain na nasa mesa, malamang ay galing ito sa mommy ni Jaxton.




"You know what, Yuna?" Palagay ko'y nagpaparinig si Becky sa'kin dahil nasa likuran ko lang sila. "That sandwiches are sponsored by my dad?" Maarte ang pagkaka-english nito.



Napahinto ako sa pagkuha sana ng sandwich sa mesa at akmang kukunin nalang ang bottled water nang biglang magsalita naman si Mia, "At yung bottled water? Ah, galing pala 'yan sa pera ng mga rich students like us." Nakuha pa nitong tumawa na parang nang-aasar.



"Pati nga 'yung juices eh, that's from Mrs. Serienne. Ang bait niya 'no?" Sulsol ni Ella at napapahiyang lumingon ako sa kanila pabalik. Alam kong ako ang pinaparinggan nila.



Hindi ko na sila pinansin pa at pinabayaan ko nalang ang mga sinasabi nila tungkol sa'kin, gaya ng parati kong ginagawa. Ang alam ko, mas magandang 'wag na lang silang patulan dahil wala rin naman akong magagawa.



Naupo ako sa isang bench na nasa field at dahan-dahang pinupunasan ang sarili ng bimpo at tahimik na nakamasid sa mga kaklase ko. Kahit kailan, wala akong naging kaibigan maski isa maliban kay Zack, at pinagbabawalan pa ako ni Jaxton na makipagkita sa kanya.



Habang nakatingin ako sa paligid ay napansin kong naglalakad si Zack patungo sa direksyon ko. Hindi niya ako napansin kaagad sa malayo kaya naman tinawag ko siya at kinawayan. Ngumiti siya sa akin nang makalingon at kumaway pabalik. Lumapit siya sa kinaroroonan ko.



"Anong ginagawa mo dito, ba't nag-iisa ka?" Iyon agad ang binungad niya at tumanaw sa mga kaklase ko. Naka-uniform lang siya at sukbit sa likuran niya ang violin bag niya na isinandal naman niya sa handle ng bench.



Ngumiti lang ako at bumaling ng tingin sa kanya, "Salamat at palagi kang nandyan para sa'kin. Kahit minsan hindi ko rin maintindihan ang mga kinikilos ko. Siguro baka wala akong magagawa dahil hindi ako ang may hawak ng buhay ko." Nakuha ko pang ngumisi bago napayuko.



Parang hindi makapaniwala si Zack sa mga nasabi ko at umayos ng pagkakaupo na parang focus na focus sa akin.



"W-What did you say again? May nahahalata ka na ba sa sarili mo? D-Did you just smirk? Parang hindi ikaw 'yan, ah?" Hindi nga siya makapaniwala, ganu'n din ako. Parang may nagbago sa akin ng hindi ko namamalayan.



"Naalala mo noong sinuotan mo'ko ng sapatos? At nagkita tayo sa ilalim ng sky bridge? I remember it all. Ang sabi mo tandaan ko lahat ng iyon at nagawa ko, hindi ko lang masabi sa'yo," sambit ko at ipinatong ang aking dalawang kamay na magkatiklop sa ibabaw ng mga hita ko.



"You still remember me in the shadows? Woah." Lumapad ang ngiti ni Zack. "So, are you aware? Na nasa mundo tayo ng comics?"



Hindi ko aakalaing katawa-tawa pa pala ang malalaman ko, palihim akong napangisi ulit, alam kong hindi basta ordinaryong scenario ang nangyayari sa buhay ko, tama nga si Zack pakiramdam ko ay pang telenovela ang nararanasan ko.



Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon