I REMEMBER YOU

123 19 16
                                    


CHAPTER 21:


*Third person's Pov*


(NAMELESS EXTRA NUMBER 13)


"Hello, Kamusta ka? I'm Alora, tandaan mo ah? Ako si Alora, bye!" Nagulat si Nameless Extra nang lapitan siya ulit ni Alora. Iyon ang parating bungad nito at palagi itong umuupo sa nasa upuan na nasa harapan ng pwesto niya, para magpakilala.

Walang kibo ito, kahit araw-araw pagpasok niya sa klase ay ganoon ang ginagawa ng dalaga. Palagi ring may kung anong ginuguhit ang binata sa notebook nito, at walang kamalay-malay kung bakit palagi siyang pinagmamasdan ni Alora.

Kumikinang parati ang mukha nito sakaling tamaan ng araw mula sa bintana. Ang mga mata nito ay nagniningning, ngunit pinipili niyang takpan palagi ng kamay ang sinag na tumatama sa mukha nito.

Walang pumapansin sa kanya at parang hindi siya nakikita ng lahat maliban kay Alora. Hindi siya tinatawag ng kaklase o ng guro sa klase o pinagpapasa ng kung ano, Wala ring nakakaalala o nagtangkang alalahanin siya  kundi si Alora lang din mismo. Hindi nito maintindihan nu'ng una kung bakit siya naalala nito, ngunit dahil pala iyon sa mga ginawa niya sa loob ng stage.

Sa araw ng field trip ay kasama siyang iginuhit ng writer, napansin niyang nandoon din si Alora. Sa loob ng bus ay walang pumapansin sa kanya, ngunit lahat ng kilos ng mga kaklase niya ay alam niya. Hindi niya namamalayang  unti-unting nakukuha ng dalaga ang atensyon niya.

Nasa isang sulok lang siya at parating hawak-hawak ang dala niyang notebook at lapis. Batid niyang nasa loob sila ng Comic book dahil makailang ulit niya na iyong nabasa at alam din niyang patuloy na tumatakbo pa ang kwento nito. Nakikita rin nito ang warp o black hole na tinutukoy ni Alora noon. Wala ring ibang nakakakita o nakakapansin nito kundi siya at si Alora lang.

Nasa stage rin siya madalas nina Claire, Jaxton at Zack. Palagi siyang kasama sa mga taong display at nasa paligid kapag nasa eksena ang tatlong bida. Binigyan siya ng pagkakataon na lumabas mismo sa stage at makasama ang A3 sa pagbubukas ng foundation week ng school. Kasama siya sa tennis team at doon ay alam niyang nakatingin sa kanya si Alora. Kalaban niya sa kabilang team si Trevor, napakagaling niya doon ngunit walang pakialam sa kanya ang lahat. Ang swabe ng mga galawan nito ngunit si Trevor ang tinitilian at hinahangaan ng marami. Alam niya na sa sarili niya na siya ay hamak na extra lamang na iginuhit para sa stage ng iba.

Ang nakakapagtaka ay ang marka sa palad nito, sumasakit ito sakaling tutulungan niya si Alora sa loob ng stage. Parang naging malalim ang sugat nito noon, ngunit kahit isipin ng ilang beses ay hindi niya maalala kung napano ang marka sa kaliwang kamay nito.


"T-The stone..." Dinig na dinig niya ang usapan nina Alora at Trevor sa pampang.


"Pwede ba? Wala akong hinihiling. Your wish is too obvious and stop wasting my time." Mas lalong nangibabaw kay Alora ang lungkot sa bawat salita ni Trevor.


Wala siyang magawa at patuloy lang na pinagmamasdan si Alora hanggang sa walang alinlangan itong pumunta sa dagat. Hindi niya maikilos ang katawan at nanatiling nakatingin sa umiiyak na dalaga, alam niyang tinitigan siya nito ngunit wala na siyang magagawa pa. Tahimik ang lahat at walang kibo, lahat ay sumusunod lang sa gusto ng writer at sa takbo ng kwento.

Sa bawat stage ni Alora, ay naroon siya. Parang sinasadya ng writer na ipakita sa kanya ang bawat eksena na hindi maganda ang nangyayari kay Alora.


"Aww, poor Alora. Doing everything para mapansin ni Trevor? Gosh, my heart! It's beeping like 'toot, toot toot.'" Nasa harap siya ng eksena sa hindi kalayuan at nakatayo kasama ng iba pang nakikiusyoso. Wala siyang magawa kahit naaawa siya sa kalagayan ng dalaga.


"You know what, Alora? You're crazy.." salita ni Trevor kay Alora.


Kung hindi siya sinasaktan ni Trevor ay panlalait kay Alora ang nakikita nito. Nanlulumo at nagagalit na si Alora, mababakas sa mukha nito ang inis, at lungkot dahil walang ibang ginawa si Trevor kung hindi talikuran na lang siya. Kung tutuusin ay hindi dapat siya nakikisali sa stage o sa kapalaran nina Trevor at Alora, may kung anong nagtutulak sa kanya para gawin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng extrang katulad niya.

Lingid sa kaalaman ni Alora ay nakasunod sa kanya si Nameless extra, sinundan siya nito at pinanood ang ginagawa niya sa taas ng mga rock formation kung saan naroon siya kanina. Naupo at pumwesto ito sa mga patong patong na bato, at may kung anong isinulat sa wishing stone na hawak nito kanina pa. Umaagos din ang luha nito habang inaayos isa-isa ang mga bato.

Nanatiling nakakatitig si Nameless extra number 13 kay Alora mula sa malayo, hinayaan nitong mapag-isa ang dalaga at maglabas ng sama ng loob.

Ilang beses na dahan dahang ini-ayos ni Alora ang mga bato, ngunit pilit itong tumutumba. Naririnig ni Nameless extra ang hikbi nito, ramdam niya kung bakit ganoon na lang ang ipinapakita nito, marahil labis itong nasaktan sa mga naranasan ngayong araw.

Padabog na binitawan ni Alora ang mga bato, at nanatiling nakaluhod sa harap ng mga ito. Umiiyak pa ito at nanatiling nakatingin sa dagat, kung maari lang sana niyang lapitan ito ngunit wala siyang magawa. Napatakip si Alora sa kanyang mukha sa labis na pagkaawa sa sarili, unti-unti ay nagawa na ring lumapit ni Nameless extra sa kanya.

Nakita siya ni Alora, at napatigil naman sa paghagulgol. Basa at kaawa-awa pa rin ang hitsura nito ngunit wala na itong pakialam. Nabasa ng binata ang nakasulat sa wishing stone ni Alora. Nakabura ang unang nakasulat doon na, 'Please make Trevor fall in love with me.' na napalitan ng, 'Gusto kong mabuhay.'

Naupo at lumuhod din si Nameless extra sa tabi ni Alora, tiningnan lang siya nito habang kinukuha niya ang mga bato at dahan dahang iniaayos.


"Itigil mo na.." Napahinto sandali si Number 13 sa mahinang tinig ni Alora. Kahit sa mga bato ay parang may sama siya ng loob. "Matutumba lang lahat 'yan. Hindi 'yan totoo."


Tumingin siya sa mukha ni Alora, at nakita ng malapitan ang mata nitong puna ng luha dahil sa pagpigil na tumulo ang mga ito.


"Ang mga batong 'yan ay walang magagawa sa kalagayan ko. Hindi nila matutupad kahit ano sa kahilingan ko," nasambit ng dalaga, habang lumuluha. "Hindi pala ikaw ang sagot sa pagbabago ng kapalaran ko."


Tumayo si Alora at naglakad papalayo kay Number 13. Napahinto ito sandali at tiningnan ang ginagawa nito. Hindi nakinig si number 13 at pinagpatong-patong niya iyon gaya ng ginawa ni Alora kanina, at kinuha ang wishing stone ni Alora na ipinatong naman niya sa iba pang bato na nandoon.

Tuluyang umalis si Alora nang hindi man lamang tiningnan na tumayo ang tower ng mga bato. Dahan-dahang tumayo si Number 13 at humarap sa direksyon kung saan nagtungo si Alora.


"Naalala kita.." Sa unang pagkakataon ay nagsalita rin sa wakas ang binata. Ang maingay na paghampas ng mga alon at ang hangin na dumadampi sa kanyang mukha ay tila nakikisama sa kung anong nararamdaman ni Alora.


"Naalala kita, Alora.."



AUTHOR'S NOTE:

Sorry for late update this week. Please continue to support this story, leave a vote, comment or share this story too. Lovelots, Cloudsthetics.💙

Look, I found you (UNDER REVISION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang