PLANNING TO MARRY

167 34 29
                                    


CHAPTER 15:


*Clicking sound* (THE STAGE)


"Hel--" Natigil ako ng mamulat na nasa ibang lugar na naman ako.


The stage.


Nasa may stair case ako malapit sa open field ng school. Parang labasan na din ito palabas ng campus, ngunit piniling bakuran para hindi makalabas ang mga estudyante. May barb wire din sa taas ng hagdan, kaya naging tambayan na lang ito ng mga estudyante.

Nakaupo ako, at nakapalumbaba. Nakita ko si Trevor na pababa doon, nakasukbit ang shoulder bag niya sa kanya, at nakapamulsang naglalakad pababa.

Napatingin ako sa kanya, at napahinto naman siya pagbaba. Nakapalumbaba pa rin ako, at malungkot na tumitig kay Trevor.


What are you doing? Bumaba ka nalang, please? You don't know how much I want to find that guy, tapos aabot lang dito sa stage.


"Just go please," saad ko, at iniiwas ang tingin sa kanya.


Hindi siya kumibo, bagkus hinila ang kamay ko para tumayo ako. Hindi ako nagpumiglas, at tumayo ng maayos. Napayuko din ako, at napatiklop ng dalawang kamay.



"Is this you, protesting? Huh? Alora?" As usual, He is still cold to me. He simply rolled his eyes, at muling bumaling ng tingin sa'kin.


"Ha? A-anong sinasabi mo?" I don't know, para akong napapahiya sa kanya.


"Tsk, H'wag ka nang magpalusot! Inurong ng Daddy mo ang bussiness proposal niya sa'min." pagkasabi n'ya no'n ay hinatak niya ako pababa at wala akong nagawa.


Tumabi kami sa gilid ng stone wall, at doon niya ako pabatong binitawan.


Don't say sorry, Alora. You don't know any of this!


"I'll just talk to dad, huwag ka na mag-alala. S-sorry din, sa nangyari." Hindi ako makatingin ng diretso kay Trevor. He looks pissed off.


"Tss," suminghal siya at palihim na namang nag-ikot ng paningin. "May family dinner ulit ang family natin, umayos ka at 'wag mo na namang gawing excuse ang sakit mo." Tinalikuran niya na ako, at naglakad palayo.


*END OF STAGE*


"Aissh, mabuti pa nga at umalis ka na! Nakakainis ka talaga," usal ko kahit nakalayo na si Trevor.


Bumalik na ako sa loob ng school, at naglakad na pabalik ng classroom. Bored kong inilapag ang bagpack ko at saka umupo. Nakakahinayang talaga, ayun na siya e nasa harap ko na 'yung nagbago ng eksena ko, nawala pa.


"Saan ka nagpunta, Alora?" Humarap si Becky sa pwesto ko. Hindi na kami magkatabi ng pwesto, dahil naayos ang sitting arrangement, hindi na kami magkakadikit.


"Nahanap ko na siya e, tapos nawala pa." dismayado ang tinig ko. Naglabas na rin ang mga libro, at pati na rin ang notes ko.


"Sinong siya? Nag-secret date kayo ni Trevor, ano?" excited niyang saad, at umayos ng pagkakadukwang sa sandalan ng arm chair niya.



"Sssh," saway ko. "Baka may makarinig, isipin na totoo 'yang sinasabi mo," dagdag ko pa.


"Psh. You are definitely in love with Trevor, halata sa mukha mo e." She chuckled. Tumalikod na din siya ng pumasok na ang teacher namin.


Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon