TRIVIAL HIM

155 28 4
                                    


CHAPTER 16:


Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala yata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.


Bakit ka nag-yes na magpa-engage kay Trevor, Alora? Nababaliw ka na!


Ang tanong ko ngayon, will I find him? The guy who help me? I skip my classes para lang makita siya, tapos mauuwi lang sa pag-aayos ng engagement namin ni Trevor?


"If I found him, again? Anong sasabihin ko? 'Hello!'" Napailing ako, at naisukbit ang nakalaylay kong buhok sa magkabilang tenga.


Nasa hallway na ako at naglalakad na papunta sa room namin.


"E, kung 'Kamusta ka?', "Hello, I'm Alora!'" Para akong baliw, na nagpa-pra-practice pa ng sasabihin kung sakaling mag-krus na ang landas namin.


Nang tumapat ako sa harap ng classroom namin, ay tumindig ako ng maayos at huminga ng malalim. Naglagay din ako ng ngiti sa mukha ko, para hindi halatang dalawang lalaki ang iniisip ko. The other one who gave me stress a lot lately, and the other one whom I will put my faith on.


Nang hawakan ko ang door knob, ay may kasabay akong nagbukas noon. I feel my heart is beating so fast.


Susumpong ba ang sakit ko?


Nag-angat ako ng tingin ng makita ang lalaking nasa likuran ko. It's him, It's the guy! Napatingin din siya sa akin. Ako na ang unang nag-iwas ng paningin, I also clears my throat at confident na Alora ang pumasok sa loob ng room.

Tiningnan ko kung saan siya uupo. Sa may tapat siya ng bintana umupo kung saan nasisinagan ng araw. I feel something different about him, I feel like I've known him before. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam nito.

Nakapalumbaba din akong pinagmasdan siya, grabe 'di ako makapaniwalang kaklase ko pala siya. Bakit hindi ko siya napansin noon? Hindi pa ako nakuntento, at nilapitan siya. Naupo ako sa harap na silya, para makita ko siya ng malapitan.


"Hello! Kamusta? I'm Alora, Ikaw?" masiglang bati ko kaagad, pagkaupo ko.


Hindi siya nagsalita, at tiningnan lang ang kabuuan ko. Hindi niya siguro ako natatandaan. He's more trivial than I thought, He is so quiet.


"Oh!" naibulalas ko. "Wala ka pang pangalan sa name pin mo?" Sabay turo sa name pin na nakakabit sa may bulsa ng uniform niya.


A nameless extra?

Halos patakbo akong nagtungo sa table ng teacher namin. Nandoon kasi ang classbook ng buong section namin, kasama na ang mga mukha namin. Tiningnan ko ang pangalan at mukha ng mga kaklase ko, at kung kabilang siya sa klase namin.


"It's him!" nasabi ko nang makita ang mukha nito sa classbook. Napatingin ulit ako sa pwesto niya, at nalungkot. "Wala ka ngang pangalan. You are nameless number 13."



*Sound clicks* (THE STAGE)


Napadilat ako ng mata, nakabalik na ako ulit sa upuan ko. Tiningnan ko rin ang pwesto na inuupuan ng nameless extra. He's gone.


"Alora!" Tuminag ako at hinarap si Trevor na tinatawag na pala ang pangalan ko.


"T-Trevor.."


I'm a naive Alora once again.


"Pagbutihin mo 'yung pag-arte sa susunod na family dinner natin, ah? Umayos ka, at huwag mo 'kong idamay ulit dyan sa sakit mo." Napahawak siya sa arm desk ko, at nag-ikot ng paningin.


Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon