MENTAL ILLNESS?

689 105 64
                                    

CHAPTER 2:

Para akong nanlumo nang malaman kong hindi ko ma-mi-meet ang parents ni Trevor. Nang gabing iyon ay parang wala akong buhay na umuwi. Nagdire-diretso ako sa taas, at inilapag ang bag ko sa side table. Pabato kong inihiga ang sarili sa kama. I sighed because of disappointment.

Kahit hindi pa ako nagpapalit ng damit ay parang gusto ko na agad matulog. Wala talagang magandang nangyari sa araw ito, or should i say a week?  Habang nakatulala ako sa kisame, ay biglang kumatok si Daddy.

Narinig ko na naman ang tunog na iyon. This time, I can't control my body, even my mind. I feel something weird. That clicking sound,  sumabay ito ng marinig ko ang katok ni Daddy. Oh my? May sira na ba ako sa utak? Kung anu-anong naririnig ko at ginagawa ko ng hindi ko alam?


"Yes dad?" sagot ko agad. Napatayo ako sa kama, at nakangiting pinag-buksan si Daddy.


Seriously? Bakit ako ngingiti? Wala namang maganda sa araw na 'to?


"You look beautiful, Alora. Tara na, Nandyan na ang family ni Trevor." sagot ni Dad na nakangiti rin sa akin.


"Dad, really?" nasabi ko. Gusto ko talagang sabihin ito. Tiningnan ko ang suot ko, naka dress na ako at naka-pustura.


What? Nandito sila? Naka-uniform pa'ko kanina e? How is that possible?


Bumaba na kami ni Dad at nagpunta na ng Dining area. Nakangiti akong bumati sa family ni Trevor. This is unexpected, paano nangyari ito?


"Kamusta na, Hija?" tanong ni Tito Morgan sa akin.


"Okay lang po ako, Tito!" I responded so quickly. Wala ka bang manners, Alora? Be soft and feminine.


"Trevor, your gift." utos ni Tito Morgan kay Trevor.


Sumunod naman agad si Trevor, at nakangiting tumayo para i-abot sa akin ang isang paper bag. Is this real? First time kasi akong regaluhan ni Trevor at nandito pa sila ngayon sa bahay.


"For you, Alora." sambit ni Trevor ng maiabot ang paper bag at saka umupo.


"Salamat, Trevor. You look good in your suit," puri ko pa kay Trevor, hindi ko maitago ang kilig.


Kasama ni Trevor ang daddy niya na si Tito Morgan, ang step mom niya si Tita Venna at ang half brother niya na si Gian. I am so happy looking at them.


"Kamusta naman ang check-up mo kanina, hija?" tanong ni Tito habang kumakain kami.


Check up? I don't remember I got a check-up and for what? Hindi ako nakasagot agad, napayuko rin ako at biglang lumungkot.


"Sabi ng doctor niya ay may complications daw sa heart niya kaya siya nahimatay sa school noong nakaraang araw." malungkot na sagot ni Daddy.


What? May sakit ako? I am sure wala akong sakit.


"D-dad, please.." pakiusap ko. Did I really said that?


"Don't worry, Alora. I will protect you." Trevor said that sweetly. Ngayon lang ata siya nag-alala.


"I won't worry anymore, dad. Basta nandyan si Trevor, pakiramdam ko safe ako lagi."


Here I go again, nagpapalambing na naman. Nagpatuloy kami sa pagkain, at pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay talagang napakasaya ko. Kahit sa loob-loob ko, hindi ko na maintindihan ang mga nangyari.

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now