HIRO IS BACK

63 15 1
                                    




CHAPTER 39:



*STAGE BEGINS* (Clicking sound)




"Alora!"




Isang tinig ang nakapagpalingon sa akin, napamulat nalang ako ng makita si Hiro na naglalakad sa kinaroroonan ko. Tiningnan ko rin ang paligid ko, wala na kami sa loob ng school, at naiba na rin ang damit ko. Naka-jumper dress ako at naka-upo sa isang bench, siguro ay nasa park kami. Gabi na rin, at ang nagbibigay liwanag sa lugar ay ang mga lamp posts sa paligid. Hindi ko alam kung lumipas na naman ba ang mga araw, at sinasadya ng writer na magtagpo kami kahit sa loob ng stage nang hindi niya ako naalala.




Nakasuot pa rin siya ng uniform niya at may hawak na boquet ng bulaklak sa isang kamay habang nakapamulsa naman ang kabila.




"Hiro--" Napatayo ako at kumaway ng makita siya. Naputol lang ang sasabihin ko ng lagpasan niya ako. Lumingon ako sa likuran ko at nakitang papalapit naman si Trevor.



"Nandito ka na pala," ani Hiro kay Trevor sabay tapik sa braso nito. Ngumiti rin siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Iniabot ni Hiro ang hawak niyang boquet kay Trevor.



"Tss, salamat dito ah?" Sabay angat ng boquet at ako naman ang binalingan ni Trevor. "This is for you, Alora."



"Aww, thank you Trevor." At kinuha ang bulaklak sabay yakap sa kanya. Nang bitawan ko si Trevor ay bumaling rin ako kay Hiro, "Salamat din Hiro sa pagiging kaibigan ni Trevor." Sabay hagikgik ko at nag-focus sa mukha ni Trevor.



"Mauna na 'ko. Mag-enjoy kayong dalawa ah?" Ngumisi pa si Hiro bago siya tuluyang umalis.



Pinagmasdan ko si Hiro habang naglalakad papalapit sa dilim. I want to run after him, but I can't. Hindi ko kontrol ang sarili ko ngayon.





*STAGE ENDS*




Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang stage. Matamlay ko ring ibinalik ang bulaklak kay Trevor at tumalikod sa kanya. Gusto kong sundan si Hiro.




"Alora..." Mahinang sabi niya. Nanatili rin akong nakatalikod sa kanya. "Gusto mo pa rin bang habulin siya?"



Hindi ako nakapagsalita. Naitiklop kong pareho ang mga kamay ko sa magkabilang gilid, at saka humarap sa kanya.



"Oo, Trevor. Hindi ako magsasawang hanapin at ipaalala sa kanya kung sino ako."



He rolled his eyes, and looked away a little bit. He definitely knows my answer.




Tumakbo ako papalayo sa kanya, at halos mangiyak-ngiyak na hinanap si Hiro sa paligid. Wala nang mga tao sa paligid, at lumulutang na ang gamit sa paligid, at kakaunting lamp posts nalang ang naiiwang nagbibigay liwanag.




Hiro... Saan ka na?




Napahinto ako sa gitna ng kalsada, at patuloy na umiiyak lang. Napatakip ako sa mukha gamit ang dalawang kamay ko at napaupo nalang bigla.




"Alora..."




Hindi ko alam kung sinundan ba ako ni Trevor o sadyang guni-guni ko lang na may tumawag sa akin.




"Umalis ka na, Trevor, please..."



Iniangat ko ang ulo ko pero hindi pa rin ako tumatayo sa pagkakaupo ko. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa taong nasa harapan ko ngayon, siya ang lalaking hinahanap ko.



Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now