CELEBRATION OR NOT?

82 14 5
                                    

CHAPTER 33:


"Magandang gabi, hija," salubong ni Tita Serienne nang tuluyang makapasok kami ni Zack.


"Magandang gabi rin po," magalang na pagbati ko pero halos hindi rin mapakali.


"You are a Sebastian, right? Your father and I are in very good in terms of business, siguro kung hindi ka lang girlfriend ni Trevor ay baka ikaw ang ireto ko sa anak ko."


Ngumiti nalang ako sa sinabi at pekeng natawa para sakyan siya. I know she doesn't know about Claire and Jaxton now. Kung nagkataon, malamang magagalit siya kay Jaxton. I know Tita Serienne is very prominent and Classy, na kahit kay Jaxton ay gusto niya na mas maging superior ito sa lahat.



She knows my father. My family, Trevor's family, Zack's and theirs are all business partners. She is close to Becky's father as well, kaya hindi na ako magtataka kung pagbigyan niya si Becky na lumapit kay Jaxton.



"Zack, hijo, thank you for playing your violin tonight." Tinapik pa nito ang braso ni Zack, at sinuklian lang siya ng ngiti nito.


Sinenyasan ako ni Zack na papasok na siya sa loob kaya wala akong nagawa kundi um-oo. We'll go as planned, sana nakagawa ng paraan si Hiro na makapasok.


*Third person's POV*


Hindi naging madali para kay Hiro ang makalusot sa gate ng bahay ni Trevor, lalo na't napapaligiran ng mga security guard ang buong paligid.


"Dadalhin bang lahat 'yan sa loob?" Nakita niya ang mga metal rolling table na nasa gilid. Nandoon din ang iba pang waiter na magseserve ng pagkain.


Pagkakita sa mga iyon ay agad siyang nakaisip ng paraan para makasunod sa loob. Tinanggal niya ang tuxedo at kinuha ang polo na nakapatong sa table at saka sinuot upang magpanggap na kasama ng mga waiter.

Hinila ni Hiro ang isa sa mga rolling table at pasimpleng pumasok sa loob bilang waiter. Nakita niya ang mga tao sa may pool area, gabi man pero nanatiling maliwanag dahil sa mga ilaw na nakapalibot doon.

Pumasok siya mismo sa loob ng bahay at hinanap kung nasaang kwarto si Jaxton. Iyon ang misyon na gabing ito, kailangang pigilan niya na mag-abot ang dalawa hanggang sa dumating ang stage. Inilagay niya sa tabi ang mesa at pasimpleng nilibot ang bahay.


"Anong ginagawa mo dito sa loob? Ayun ang kusina, kailangan ang mga waiter doon," saad ng isang utusan sa bahay. Tinuro nito ang daan papunta sa kusina sa gilid ng bahay.


Sumunod siya at nakita sa kusina si Jaxton kasama ang mga chef at tinitingnan ang napalaking cake na ilalabas mamaya. Kinuha niya isang cocktail juice na hawak ng isang waiter sa serving plate nito at dali-daling pumasok sa loob ng kusina.

Nagkunwari siyang hindi nakita si Jaxton at sadyang tinapunan si Jaxton sa puting polo nito kahit nakasuot ito ng itim na tuxedo.


"What the--" Jaxton blurted and look at his white polo. Tiningnan din niya si Hiro at pinunasan ang parteng natapunan ng juice.


"Pasensya na..." Nakayuko si Hiro at nagmadaling lumabas ng pinto.


*Zack's Point of view*


Lumabas ako ulit sa living room kung saan naroon ang ibang musician na tutugtog mamaya. Nag-ikot-ikot ako at nagbakasaling makikita ko si Claire sa paligid. I want to meet her even in shadow, it's the only way I find her.

Hindi ako nagkamali, naabutan ko si Claire sa garden sa likod ng bahay nila Jaxton. She is sitting in a rock bench under the plastic roof. She is so beautiful, hindi ko na naman maiwasang hindi mamangha.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now