FIELD TRIP

148 22 10
                                    


CHAPTER 18:


Nagkakagulo ang mga estudyante sa first floor, pagpasok na pagpasok ko kinabukan. Nag-umpukan silang lahat sa may bulletin board area, for sure may announcement na naman na ipinalabas si Jaxton sa lahat.

Gumitgit ako para makasiksik at mapunta sa harapan ng bulletin board. Nandoon din si Becky at si Karl sa harapan.


"What? Dito lang tayo around the philippines magpi-field trip?" Dinig kong maktol ni Becky.


"Nag-e-expect pa naman ako ng Hawaii, this year." dismayadong saad ni Karl nang mabasa ang poster announcement.


"Baka may ibang plano si Jaxton, leave it to him. Saka kahit saan basta kasama siya." Parang nagdi-day dream pa si Becky habang nakaangat ang ulo sa bulletin board.


Ganoon kasi si Jaxton, He wants only the best. We always go out of the country kapag field trip, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at naisipan niyang around the country lang daw ang field trip this year. The writer wants to do it, so ganu'n siguro ang ginawa ni Jaxton.


"Dad will never let me go, this time." I muttered. Nagpakawala pa ako ng buntong hininga habang nakahawak ang magkabilang kamay ko sa strap ng bag pack na nakasabit sa likuran ko.


Napatingin naman silang dalawa sa akin. Kinuha ni Becky ang braso ko at isunukbit sa kanya, sinandig din niya ang ulo sa balikat ko at umarte-arte.


"Hindi naman kumpleto kapag 'di ka kasama," malungkot na aniya.


"Ayaw mo talaga ako makasama e, 'no?" Pinandilatan pa ng mata ni Karl si Becky, at ngumuwi. Nagpoker-face lang si Becky sa kanya at hindi na kumalas sa akin.


Hanggang makapasok kami sa loob ng room ay about sa field trip ang pinag-uusapan nila. Biglang nahagip ng mata ko si Trevor na sa dulong upuan sa pwesto niya, napansin niya akong tumingin at bigla niya akong inikutan ng mata.


Aissh, napakayabang!


Nilapitan din siya ni Ella, at ng iba pang babae at pinagkaguluhan. Well, hindi na bago iyon dahil part siya ng A3.

Exam ngayon, kaya focus ang lahat sa exam. After naman nito ay makakahinga na kami ng maluwag dahil field trip day at start na ng foundation week.

Pagkauwi ko galing sa school ay hinanap ko kaagad si Daddy. Nasa kitchen pala siya at nagluluto ng dinner. He is like a cook talaga dahil naka-apron pa siya at naka oven mittens.

Naramdaman niya agad ako, at tumigil sa ginagawa. Nagtanggal din siya ng gloves, at niyakap ako.


"Cooking something?" pauna ko, at sinilip kung ano ang niluluto niya.


Tumawa si Daddy, bago nagsalita. "Magpalit ka na muna, at kakain na tayo." Nag-mwestra pa ng kamay si Daddy, at sumunod naman ako.


Pagkababa ko ay humanap na agad ako ng tyempo para magpaalam, sana nga ay pumayag si Daddy.


"Dad?" medyo alalangin kong tawag.


"Mmm? Ano 'yon?" sagot naman agad nito.


"Dad, pwede ba 'ko sumama sa field tirp, please?" I gave him a puppy-dog look.


"Pag-iisipan ko muna. Gusto ko nga ay tumigil ka muna sa pag-aaral," yun lang ang naisagot ni Daddy.


"D-Dad, ayaw ko. Masaya ako sa loob ng school kasama ang mga kaibigan ko. Ayaw ko makasal kay Trevor. Gusto ko ay makasama kayo, at humaba ang buhay ko, magtravel around the world kasama ka at enjoy-in ang buhay ko," I whimpered.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now