ZACK MEETS HIRO

104 15 14
                                    


CHAPTER 25:

*Zack's Pov*

Habang mag-isa na lang ako sa sky bridge ay nakita ko si Claire mula sa baba. She is heading towards the sky bridge. I don't know but I gained some confidence from Alora, she is determined while I am being a weak man that can't confess how I feel.

Dali-dali akong bumaba para habulin si Claire, napalingon din naman siya kaagad nang maramdaman ang presensya ko.

"O, Zack?" curious niyang tanong nang makalapit ako.

"I know you won't believe me, but I--" I can't speak up straight. My words are distrupted by Claire's eyes.

"I came... to... you.."

Alam kong baka hindi niya na naman ito maalala, pero sinubukan ko. Kung wala akong magawa sa stage, baka sa shadow magkaroon ako ng pag-asa.

"A-Anong sinasabi mo?" She is still confused. She is unaware like everyone else.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at ngumiti, sabay sabing, "I like you, Claire. Hindi bilang kaibigan kundi bilang ikaw."


Natigil ako nang mapansing dumarating si Jaxton. Nakapamulsa siya at diretsong nakatingin sa amin. Alam kong sa loob-loob ni Jaxton ay nagseselos na siya ngayon.


"Claire," ma-otoridad pero cool pa ring tawag nito.

"Ha? Oo, nandyan na." Tiningnan muna ako ni Claire bago siya lumapit kay Jaxton.


Hindi ako kinibo ni Jaxton at inakbayan si Claire, gusto nitong ipakita na siya ang nagmamay-ari kay Claire. Tinalikuran nila ako at naglakad papalayo. Alam kong si Jaxton ang endgame ni Claire, pero umaasa pa rin ako.

Wala na akong choice kundi pumasok na sa loob ng school. Since wala akong klase ay pinuntahan ko rin si Curry fairy sa cafeteria, baka sakaling maabutan ko pa doon si Alora.

Nagdire-diretso lang ako sa kusina at naabutan si Curry fairy na nakaupo sa isang upuan sa harap ng aisle table at binabasa ang comic book. Mukhang hindi maganda ang hilatsa ng pagmumukha nito, at tiningnan lang ang pagpasok ko.

"Ano naman ang ginagawa mo dito?" His voice is not jolly as he is before.

"Nothing," maagap kong tugon at saka naupo sa isang upuan na na nasa edge ng table.


Binitawan niya ang comic book malapit sa akin, at kinuha ko naman iyon kaagad. Umikot naman siya sa aisle at pumwesto sa kabilang gilid.


"Grabe, parang ang hirap talaga paniwalaan na lahat tayo produkto lang ng imahinasyon ng writer, 'no?" Tumatango-tango pa ako habang binubuklat ang mga pahina ng libro.

Hindi ako sinagot nito at kinuha nalang ang mga basong babasagin sa cabinet sa ilalim ng table at kumuha ng table cloth.

"Paano kaya kung lahat ay self aware?" I asked again out of curiosity. Nanatiling nakapako ang paningin ko sa libro.

"Hindi maari!" Napatigil si Curry fairy at diretsong tumingin sa akin. "Magugulo ang takbo ng storya at maraming mangyayaring hindi dapat." He always warning us about the stage, palagi rin kasing naikwe-kwento ni Alora na babaguhin niya ang kapalaran niya.

Wala naman akong nakikitang masama sa ngayon kaya nagkibit-balikat nalang ako sa mga sinabi ni Curry fairy. Binitawan ko ang comic book at saka tumayo sa pagkakaupo. Lalo tuloy akong nagtaka kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa ni Alora.

"Mauuna na 'ko, bad mood ka e." Paalam ko at saka lumabas ng cafeteria.


Pinili kong maglakad-lakad sa may garden area, nakita ko ang ibang kaklase ni Alora na nakatambay rin doon. Nahagip ng mga mata ko si Claire at si Jackston na magkasama, they look good together. No wonder why they are the main characters, they look perfect.

Nagpamulsa ako habang naglalakad, suddenly I saw Alora and number 13 together. Nakahiwalay sila at mukhang nag-uusap. Nakaupo sila sa isa sa mga stone bench na nandoon.


"Oh!" I uttered. Naituro ko pa nang hindi sinasadya si number 13. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan.

Lumapit ako at hindi maitatangging kahit lalaki ako ay napapahanga ako sa hitsura niya. His illustration from the book is different in person. Inikutan ko pa ito at parang hindi makapaniwala.

"Number 13? Wow, you are more handsome than Trevor." Napangisi pa ako ng palihim, ngayon alam ko na kung bakit obsessed si Alora dito.

"Yeah, I know. Bakit nandito ka?" Alora muttered at saka dumistansya kay number 13.

"T-tara na Hiro.." Hinawakan ni Alora ang kamay nito. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ikinikilos ni Alora ngayong araw.

"Hiro?" I  asked. She gave him a name?

"Hiro, ito si Zack. Zack, si Hiro." Pagpapakila ni Alora sa aming dalawa.

Matangkad din ito ngunit mas matangkad lang ako ng kaunti, pero kung sa hitsura wala akong masabi pwede na siyang maidagdag sa aming tatlo.

"Self aware ka din?" Hindi ko sinasadyang maitanong. Hindi ito kumikibo at nanonood lang sa aming dalawa.

"Yes, he is. He can really change the stage. He is not like the other extras," paliwanag ni Alora.

Hindi ako makapaniwala, sa wakas ay hindi lang ako at si Alora ang nakakaalam ng totoo sa mundong ginagalawan namin.


*Alora's POV*

Nakita kami ni Zack ng magkasama. Nag-uusap lang naman kami tungkol sa mga bagay-bagay. I want to be close with him, I want to know who is he. Namangha naman si Zack kay Hiro, I know, he is really amazing. Kahit sino ay hahanga sa lalaking ito.

Nagulat naman kaming dalawa ni Hiro nang bigla kaming yakapin ni Zack. He hugged us out of nowhere.


"I have A3 on the story and on the stage, but now I have us." Masaya ang tinig ni Zack habang patuloy na nakayakap sa amin.

Naunang bumitaw si Hiro ngunit hindi ito kumibo. Sumunod naman ako at napa-crossed arms. Zack is definitely different with Jaxton and Trevor. He is friendly and jolly, he is also not afraid of showing his feelings in public.

"Us? What do you mean us?" naguguluhan kong tanong.

"I call us, the three musketeers!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat namin ni Hiro at parang childish na tumingin. "We are now bestfriends, ano sa tingin mo Hiro? Magkakaibigan na tayo ngayon."

"Kaibigan?" Biglang sumabat si Hiro pagkatapos.

Tumango si Zack at tinapik ang balikat ni Hiro. Maybe Zack and I are the first friends of Hiro. Alam kong magkakasundo kaming tatlo, We can definitely change our fates.

Bumalik na kami ng klase nang matapos ang kwentuhan naming tatlo. Sabay kami ni Hiro naglakad papasok ng room, at nagkahiwalay nalang dahil sa sitting arrangement namin. Napayuko ako sa arm desk ko at pinagmasdan si Hiro, I am just admiring him, 'yung mismong kabuuan niya.

Patuloy na ganoon ang pwesto ko hanggang sa sumulpot sa harap ko si Trevor. He is always disturbing me when I'm alone!

"Can you move a bit, please?" Hindi pa rin ako umaalis sa ganoong posisyon at hindi ko rin siya tiningnan.

"Are you going to ignore me just like that?" He frowned. Napakagat labi pa siya, at halatang naiinis na naman.


What is wrong with him today? Gusto ba niya na pansinin ko siya ngayon?


TO BE CONTINUED...

----------------

Please continue to support this story til' the end! 💙

Look, I found you (UNDER REVISION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang