GLIMPSE OF THE FUTURE?

421 88 40
                                    

CHAPTER 3:


Biglang dumating ang teacher namin at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nagklase na kami, at tumahimik na ang lahat.

After namin magklase ay nag-break na muna kami. Tahimik pa rin ako, habang naglalakad kami papunta ng cafeteria. Pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina sa isip ko. Imposible pa rin iyon. Iniling-iling ko ang ulo ko, nakita ko kasi na mabu-bully si Claire ng mga babae at madudulas siya.

Pagpasok namin ng cafeteria, nakita ko agad si Claire na nakapila. Sa isang table naman naka-upo sina Mia, Yuna, at Ella. Kaklase namin silang tatlo pati na rin si Claire. Si Claire kasi ay masyadong mabait, maganda, matalino rin ngunit hindi gumaganti. That's why a heroine like me should do a good thing.

Kumaripas ako agad sa likod ni Claire sa pila at iniwan si Becky at Karl. Napansin niya agad ako na sumingit, kaya ngumiti ako at nag-Hi. Sinilip ko agad ang naka-serve na pagkain. It's curry, naalala ko na nakita ko sa isip ko na matatapunan siya ng curry.


"Huwag ka kumuha ng curry, ah?" nahihiya kong saad kay Claire. Hindi rin maipinta ang nakalukot kong mukha sa tuwing maiisip kong baka managyari iyon.

Tumingin siya sa akin at hindi alam ang isasagot. Nang iabot niya ang plato niya ay hindi niya nga pinalagyan ng curry. Nagmadali rin akong nagpalagay ng pagkain at sinamahan siya sa table.

Nang kakain na kami ay nilapitan siya ni Mia. Hangos at mayabang pang naupo ito sa harap namin. Tiningnan niya si Claire, from head to toe. Hindi siya pinansin ni Claire, at tumuon sa pagkain.


"Hoy." Inangasan ni Mia si Claire. Ngumangata pa ata siya ng bubble gum. "Hindi ka ba magsasalita?"


Napa-pikit ako at narinig ko na naman ang nag-k-click na tunog na iyon, sa tingin ko nga na ay parang tunog iyon ng paglipat ng page ng isang libro.


"Lilipat na lang ako," ani Claire, at tumayo dala ang plato niya. Gusto ko siyang pigilan dahil baka pag-initan siya pero hindi ko magawa.


Kinuha ni Mia ang plato ko. Napatingin ako roon ng kunin ni Mia. There's curry in there. Naalala ko na, tama pinggan ko ang kukunin ni Mia. What should I do? Wala akong magawa.

Hindi pa rin siya pinansin ni Claire at humakbang na. Hinatak siya ni Mia at sinaboy sa damit ni Claire ang laman ng plato ko. All eyes are now on them. Napatigil ang lahat, at tumingin sa kanila.

Nahiya si Claire at naglakad na papalayo kay Mia. Oh my goodness, alam kong guguluhin din siya ni Yuna at Ella. Napatayo ako sa wakas, padabog akong napatayo sa pagkaka-upo at hinatak ko si Claire palayo kay Mia.

Lumayo na kami sa kanya ngunit hindi ko napansin na nakaharang pala ang paa ni Yuna and guess what? Napatid kami at napahiga. May nakabangga pa kaming may dala rin ng plato at sasaluhin namin lahat ng kanin at ulam na nandoon. Bigla akong naawa kay Claire, She don't deserve to be bullied kaya naman hinarang ko ang braso ko sa mukha niya para makaiwas sa kanin at curry.



"Ohh!"


"Kawawa naman si Claire, o!"



The students are whispering things around us. Maraming nakasilip, pero walang tumulong sa amin. They even make fun of us dahil napatid kami.

My god, mali ang nakita ko? I thought si Claire lang ang mapapatid, bakit kasama ako? Muli akong pumikit baka sakaling mangyari ulit 'yung kanina but nothing happens.

Tumahimik ang lahat, at tumabi ang mga nakiki-usyoso. The F3 in the school is looking in us. My heroes saved me from this shameful accident. Bigla akong napangiti, nasa gitna pa si Jaxton at ang cool-cool nilang tatlo.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now