CHAPTER 24

107 14 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR: History

Monica's POV



"What do you mean, Monica?" usiserong tanong ni Claire sa'kin matapos 'kong malabalik sa aking upuan.

Malamig ang nilapag 'kong tingin kay Claire. Sa totoo lang ay ayaw 'ko talagang sagutin ang mga tanong nila dahil ayaw 'ko na lumalim ang kaalaman nila sa paaralan na 'to. Baka kapag nangyari iyon ay baka dalhin sila ng kanilang kuyusidad kung saan at ikapahamak pa nila ito. Pero gusto 'ko rin mailabas itong kaalaman 'ko.

"Siya ang puno't dulo ng lahat," nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga. Humalo ang kaba sa'kin pati na rin ang pagkasabik."Alam niyo na dapat iyon nong simula palang. Napaka misteryoso kaya nong taong iyon. Ni hindi lumalabas sa opisina niya, ni hindi nagpapakita," pagpapatuloy 'ko pa. "Abala kayong lahat sa pag-o-obserba kay Catherine, na halos nakalimutan niyo na may isa pang tao na nagtatago sa anino niya."

Nagkatinginan sila at napatingin sa malayo. Batid 'kong iniisip nila ngayon iyong sinabi 'ko. Noong una akong makapasok dito sa paaralan na ito, alam 'ko ng may mali, may kakaiba pero pinangunahan ako ng emosyon at kuryusidad 'ko kaya hindi ako nakalabas dito.

Saksi ako sa lahat ng mga nangyari sa paaralan na ito, simula apat na taon. Madugo at madumi ang naging daloy ng paaralan na 'to. Hindi sila mapipigilan kahit na gusto mo dahil mag-isa ka lang at mahirap na makahanap ng kakampi.

Pero ngayon, may lakas na loob na 'kong tapusin 'tong gulo na 'to. Hindi ito ang mundo na dapat na tinatapakan namin. Dapat nasa labas kami, malayang nagagawa ang lahat. Sa oras na makalaya kami rito, ipapatumba 'ko agad ang paaralan na 'to.

"Okay.." ngumuso si Claire. "So why is he doing this? Ang stupid niya naman para pumatay ng tao!"

Tumango si Gwen, "Bakit napaka misteryoso rin ng paaralan na 'to? Ano ba talaga ang meron dito, Monica?"

Sumandal ako sa aking kina-uupuan at bahagyang napatungo. Hindi pa ako handa na ipaalam sa kanila ang lahat ng nalalaman 'ko. Siguro..iyong iba nalang muna.

"Ang lupang kinakatayuan ng paaralan na ito ay pagmamay-ari ng principal. Mayroon siyang apat na anak. Tatlong babae at isang lalaki. Noon, isa pa lamang itong magubat at madamong kalupaan. Maayos ang buhay ng kanyang pamilya sa lupang ito. Malayo sa gulo at higit sa lahat tahimik," napatigil ako at nagpaka wala ng buntong hininga. "Hanggang sa, may mga taong pinilit siya na umalis sa lupang ito upang itayo ang paaralan na ito. Hindi pumayag ang matanda dahil ang totoo nga ay sa kanya nakapangalan ang lupang ito. Pero dahil mahirap lang siya at walang laban. Kinalbo at giniba ng mga tao ang lupa niya. Hindi lamang iyon," tinignan 'ko sila. "Aksidenteng natamaan ng puno ang bahay ng matanda, dahilan para matabunan ang kanyang mga anak sa loob."

"Sad story," tugon ni Claire. "What happened next?"

"Simula nong insidente na iyon, dalawang anak niya ang nawala at ang isa naman ay hindi pa nahahanap," sagot 'ko.

Naghalumbaba ang ilan sa kanila at deretso akong tinignan. Ramdam 'ko ang kuryusidad nilang lahat.

"At iyong isa?" tanong sa akin ni Ms. Grace.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now