CHAPTER 01

1K 36 1
                                    

Warning: Ang mga pangyayari na iyong mababasa ay katang-isip lamang. Ang istoryang ito ay pumasok lang sa isip 'ko. Buti narealize 'ko na meron pala ako no'n. Halina at subaybayan na'tin ito.

CHAPTER ONE: Fresh Bloods

Mark's POV

Hindi maipinta sa mga mukha 'ko ang kaba na nadarama 'ko ng una 'kong masilayan ang paaralan na papasukan 'ko. Malakas na pagtulak ang binigay sa'kin ng aking Step Father papasok sa loob. Doon palang ay parang naramdaman 'ko na, na parang nakapako na ako rito at hindi 'ko na magawa pang makawala.

Ngisi ang pinakita sa akin ng matandang lalaki dahil alam 'kong sa wakas ay magagawa na niyang solohin ang aking ina. Bagamat malaki ang pag-nanasa niya rito ay lagi 'ko siyang napipigilan na galawin ito. Malaki ang pagmamahal 'ko sa aking ina kumpara sa kahit na kaninong tao.

"Sigurado ka bang magiging maayos lang siya rito, Domingo?" tanong ni Mama habang nakayakap sa matandang lalaki na ngayon ay kakasindi lang ng kanyang sigarilyo.

"Mukha bang hindi? Malaki na iyang anak mo. Bakit ka pa namomoblema?" saad nito at saka inakbayan ang aking ina. "Mas maigi pa na umalis na tayo, Josena. Malapit ng magsimula ang klase nila. Hayaan mo na iyang bata diyan."

Sa huling pagkakataon ay napalingon pa si Mama sa'kin. Mapait na ngiti ang pinakita niya bago tuluyang sumama kay tito Domingo. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga bago tuluyan pumunta sa mga estudyanteng nakapila sa labas ng malaki ngunit luma na paaralan.

"Tagal naman, ang bigat nitong dala 'ko oh! Usad usad naman diyan kapag may time!" inis na sigaw nong lalaki na nasa harapan 'ko. "Push! Push!"

Tumaas ang kilay 'ko dahil kahit anong sigaw ang ginagawa niya ay walang tao ang pumapansin sa kaniya. Mga abala kasi ang mga ito sa pagaasikaso ng gamit nila. Bagamat bawal lumabas, dito na kami pansamantalang titira.

"Pre? Wala yatang pumapansin sa'yo," pagkuwit 'ko roon sa lalaki. Tumigil siya sa pagsigaw at saka ako nilingon.

"Kaya nga, mga bingi ba ang tao rito? Nakakabawas ng kagwapuhan!" singhal niya. "Anyway, ako nga pala si Ivan. Kinse anyos, wala pang katipan."

"Mukha nga," binigyan 'ko lang siya ng ngiti. "Mark," bahagya akong tumango.

Umusad ang pila kaya't kinailangan niyang buhatid muli ang mga gamit. Kaunting estudyante nalang at malapit na kaming makapasok sa loob. Nagtataka lang ako kung bakit ba kailangan pumila ng ganito. Ano bang ginagawa pa nila sa loob?

"Ano bang meron?" rinig 'kong tanong nong babae sa likuran 'ko. May nguya-nguya na chewing gum na animoy ubos na ang pasensya sa pagpila.

Kumibit balikat ako, "Hindi 'ko rin alam, Miss. Bago lang ako eh," sagot 'ko. "Pangalan mo?"

Tinignan niya ako gamit ang singkit niyang mga mata kasabay noon ang paghalukipkip niya na para bang pinag-iisipan ako ng masama. Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan niya ako. Bahagya akong ngumiti kahit na medyo naiilang ako sa kanya.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now