CHAPTER 11:Anniversary Party; PART II

144 17 1
                                    

CHAPTER ELEVEN: Anniversary Party; PART II

Gwen's POV


"Ayos ka lang?"

Ganoon nalang ang pagtaas ng aming kilay matapos na makita si Mark na bumalik sa table namin habang hawak ang kanyang kanan na braso. Panay pa ang paglinga niya na parang may hinahanap na tao.

"Oo," maikli niyang sagot bago umupo. "Si Ivan?"

Kumibit balikat ako, "Bumalik kanina 'e tapos umalis din agad. 'Di 'ko na alam kung saan napadpad ang isang 'yon."

Tumango lang siya saka tumingin sa stage. Napadpad naman ang mga mata 'ko roon kay Grace. Nakaupo siya sa tabi ni Sir. Erick na abala sa pakikipagkwentuhan sa kanya. Ngumuwi at saka ako napailing. Hindi 'ko parin siya nakaka-usap simula noong makita 'ko siya. Siguro ay dahil wala akong lakas ng loob para gawin 'yon. Bakit ba kasi siya nandito?

"Kukuha lang ako ng Juice, gusto niyo ba?" tanong 'ko sa kanila.

"Yep," ani Claire. Si Mark at Kiazelle naman ay tumango lang at hindi, umimik.

Ngumiwi ako at naglakad papuntang Buffet, umaasa rin ako na makikita 'ko roon si Ivan pero parang wala siya roon. 'Di 'ko siya mamukhaan sa mga taong nakatambay malapit do'n.

Bumuntong hininga ako at kumuha nalang ng Juice. Kumunot naman ang noo 'ko ng bigla akong harangin nong Josh. Minamalas nga naman.

"Oy, long time no see!" giit niya at napangisi pa. "Kumusta sugat mo? Ayos na ba?"

Napairap ako, ganito siguro iyong inis na mararamdaman mo kapag sasagot ka ng tanong ng bobo.

"Med student pero ang bobo," bulong 'ko. "Matagal ng maayos, salamat."

"Buti naman," sabi niya. Tapos biglang kinuha iyong isang juice na hawak 'ko dahilan para kumunot lalo ang noo 'ko. "Do you want to dance?"

Loko ang hinayupak.

Inismiran 'ko siya at hindi nalang sumagot. Kumuha ulit ako ng isang baso ng juice at umalis doon. Pero ganoon nalang ang gulat 'ko ng bigla niya akong higitin sa may braso dahilan para matapunan ng kaunti ang suot 'kong sandals.

"Opps, sorry," paumanhin niya. "Gusto talaga sana kitang isayaw."

"Ako, ayoko," ngumiwi ako bago hinigit ang braso 'ko sa kanya. Nagulat ako ng harangin niya 'ko. "Kingina?"

"Ngayon lang naman," nakanguso niyang tugon. "Look, a lot of girls here are dying to have a dance with me. Yet you are rejecting me? Come on, Miss. Ngayon lang, promise," pagmamaka-awa niya. "Baka kasi 'di na kita maisayaw sa susunod."

Tumaas ang kilay 'ko, "'Wag ka ngang mapilit at baka magamot mo pa ang sarili mo kapag nainis ako."

Humalakhak siya, "Kung ayaw mo, baka iyong kaibigan mo nalang na maputi? Yung katangkaran sa inyo?"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now