CHAPTER 09

155 16 0
                                    

CHAPTER NINE: BIOLOGY

Mark's POV


Ilang araw ang lumipas at marami paring buhay ang patuloy na nawawala. Masuwerte nga kami dahil hindi kami ang napag-iinitan nong killer. Siguro ay dahil wala naman kaming nagagawang mali at labag sa kalooban ng iba.

"Maayos na ba ang tuhod mo?" tanong 'ko kay Gwen na ngayon ay nakaupo sa bench malapit sa dorm namin.

"Ayos na," sabi niya at medyo binaba ang mahaba niyang medyas. "'Di naman kasi malalim ang sugat 'ko, ang OA lang nung nang gamot."

"Naninigurado lang yata iyong tao," mahina akong natawa. Bahagya akong napalingon doon sa dorm ng marinig ang boses ni Ivan. "Problema mo?"

"Wala naman, akala 'ko kasi nawawala kayo," sabi niya. "Anong ginagawa niyo rito? Malapit ng mag-start ang klase ah?"

"Ayos lang na ma-late," sabi ni Gwen. "At saka tinatamad akong pumasok ngayon."

"Sus! Bahala kayo, basta ako mag-aaral ng mabuti," sabi ni Ivan at naunang maglakad papunta roon sa school building.

Naiwan kami ni Gwen kaya't nilingon 'ko siya. Mukha ngang wala yatang ganang pumasok si Gwen dahil nakapikit na ang mga mata niya.

Sa huli ay nagpaiwan siya. Ako naman ay sumunod kay Ivan papunta sa klase namin, sayang din naman kasi ang points kung hindi ako a-attend.

Nang makarating ako roon ay bumungad sa'kin ang isang babae. Nasa unahan siya, katabi ni Sir Erick. Kunot noo akong tumabi kay Ivan.

"Sino naman iyan?" tanong 'ko. Nagtataka lang ako kung paano siya nakapasok dito at BAKIT pa siya pumasok dito.

Kumibit balikat si Ivan, "Ewan 'ko, naabutan 'ko lang 'e. Baka nawawalang kapatid ni Sir Erick."

"Or! Maybe GF niya?" singit ni Claire. "By the way, Marky. Where's Gwen?"

"Nasa Dorm, 'di raw siya papasok," sagot 'ko.

"Ah, maybe she want to rest," sabi niya kaya't napatango nalang ako.

Ilang saglit pa ay pinakilala na ni Sir iyong babae.

"Cordians, this is Ms. Grace. Siya ang magiging Guro niyo sa Biology. At since nagkaroon ng pagbabago pagdating sa Sched niyo, dahil may ilang nadagdag na subject. Ang magiging first class niyo na ay Biology at ang next naman ay History," tugon ni Sir. "So, iiwan 'ko na kayo kay Ms. Grace. I hope you'll be good to her."

Pinanood naming lumabas si Sir. Naiwan si Ms. Grace sa unahan habang tahimik niyang binubuklat ang kanyang libro. Rinig 'ko ang reklamo ng ilan, siguro ay dahil iyon sa pagdami ng subject.

"Gago, doble-doble ang sakit sa ulo nito. Una Biology tapos kasunod History? Balak yata tayo patayin ng maaga nitong mga teacher na'to," giit ni Ivan, na napakamot pa sa ulo niya.

"Ayos lang 'yon. Mamamatay din naman tayo so bakit kailangan pang magreklamo?" natatawang sabi 'ko.

Pinanliitan niya 'ko ng mata bago ako sinuntok sa braso. Tinawanan 'ko lang siya at nakinig kay Ms. Grace.

"Magandang araw..Cordian," binigyan niya kami ng tipid na ngiti. "Bago 'ko simulan ang klase 'ko. Tatanungin 'ko muna kayo kung..kumusta na kayo rito?"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now