CHAPTER 33

112 12 0
                                    

CHAPTER THIRTY THREE: The Key

Monica's POV



Hindi maalis ang tingin 'ko sa labas habang hinihintay ang senyales ni sir Erickson para sa plano kuno nila sa pagkuha ng susi kay Catherine. May posibilidad na gumana ito at mayroon ding wala. Dahil sa totoo lang, hindi 'ko alam kung saan ba tinatago ni Catherine ang susi. Baka mamaya ay dala niya pala iyon, sayang itong plano ni Erickson.

Tumaas ang kilay 'ko matapos makita ang pagkaway niya sa labas mismo ng building. Umirap ako at naglakad pababa para hanapin si Gwen. Siya lang ang dadalahin 'ko sa pagkuha ng susi. Ayaw 'ko ng marami dahil mahihirapan ako lalo nito.

Tumayo siya nang lapatan 'ko siya ng tingin. Hindi na ako nagsalita dahil kuha niya na iyon. Bago kami makalabas ng dorm ay tinawag kami ni Mark. Nagtataka 'ko siyang nilingon, sa totoo lang ay naiinis ako.

"Ingat kayo," sabi niya sa'min na may kasamang ngiti.

"Okay," tugon 'ko na halos walang paki alam sa sinabi niya.

Maingat akong tao kaya hindi niya na ako kailangan pang sabihan noon. At saka uubusin niya ang oras namin kapag pinahaba niya pa ang usapan. Kilala 'ko na sila. Baka mamaya ay mag-asaran at magsagutan nanaman sila. Mauubos ang oras namin doon lalo na't walang sinabi si sir Erickson kung anong oras ang tapos ng meeting. Napakatanga. Siguraduhin niya lang talaga na gagana itong plano niya. Kapag hindi, makikita niya ang ginagawa 'ko sa mga taong patanga-tanga.

Pagkalabas naming pareho ni Gwen ay walang nagsalita sa aming dalawa. Parang may anghel kaming kasama na siyang nagpipigil sa amin na makalikha ng ingay. May mga oras naman na napapalingon ako sa kanya. Seryoso siya, ganoon din ko. Sana lang talaga ay gumana na 'to para makalabas na sila.

Nang makapasok kami sa loob ng school agad kaming dinapuan ng tingin ng mag seniors. Oo, mahirap kumilos pero buti nalang at takot sila sa'kin kaya pwede akong kumilos kahit na anong gusto 'ko.

"Monica," napalingon ako kay Gwen. "'Yung sinabi mo kay sir Erickson. Last week? Seryoso ka ba roon?"

Tumaas ang kilay 'ko at inalala ang sinabi 'ko kay Erickson. Ah, Oo. I'll be the one who will end your life. Tama ba?

Umiling ako, "Panakot lang iyon. Hindi naman ako pumapatay ng tao. At hinding hindin'ko gagawin iyon."

Nagpakawala siya ng buntong hininga at tipid na ngiting tumango sa'kin. Akala niya ba ay gagawin 'ko talaga iyong sinabi 'ko? Mukha ba? Kahit ako na ang pinakamasamang tao sa mundo ay hindi 'ko iyon magagawa. Maliban nalang kung may taong gagawa noon sa'kin, malamang ay gagantihan 'ko.

Pagkarating namin sa tapat ng opisina ni Catherine ay kaagad 'kong inikot ang doorknob. Ganoon nalang ang pagkainis 'ko matapos na makitang lock ito at wala kaming dala na pangbukas o panira rito.

Nilingon 'ko si Gwen at binigyan siya ng seryosong tingin. Nagpalinga-linga rin siya sa paligid niya, sa tingin 'ko ay naghahanap ng panira rito sa doorknob. Ginamit 'ko naman ang braso 'ko para bungguin ito, umaasang bumukas ito. Pero hindi ito marupok kaya't ang hirap sirain.

"Monica, sabay na'ting bungguin," suhesyon ni Gwen. "Baka bumukas."

"Kaya mo ba?" taas kilay 'kong tanong.

"Syempre naman. Ako pa?" ngumisi siya at tinaas ang sleeve ng kanyang suot na damit.

Tumango ako sa kanya at inihanda ang sarili 'ko sa gagawin namin. Si Gwen ng nagbilang. Nang marinig 'ko ang huling numero ay ginamit 'ko ang buong lakas 'ko upang bungguin ang pinto. Napangiti ako ng bumukas ito.

The Curse Of Cursydian University (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن