CHAPTER 04

207 20 0
                                    

CHAPTER FOUR: Bloody Moon

Mark's POV



"First subject. Seminar? Gago subject ba 'yun?"

Nilapatan 'ko ng tingin ang hawak-hawak ni Ivan na papel. Bigay kanina nong dalawang seniors na nag-uuli. Nakasulat dito ang schedule ng klase namin, sabay-sabay ang lahat.

Malaki naman talaga itong paaralan kung tutuusin. Bawat classroom ay maraming estudyante ang pwedeng pagkasyahin. Hindi mo masasabing mainit sa loob dahil may dalawang aircon ang mga ito sa loob.

"Session hall right? Gosh! I bet we'll see those seniors again," umirap si Claire saka inayos ang suot niyang pulang necktie na may isang guhit sa dulo nito.

Magkakatulad lang ang mga suot namin. Kung baga, ang pinagkaiba lang ay skirt sa kanila at sa'min ay slacks. Parehas na pula ang mga ito. Para tuloy kaming may birthday.

Nakarating kami sa Hall. Malaki ito, parang gym. Ang pinagkaiba lang ay wala itong mga bangkuan sa gilid. Tanging monoblock chair lang ang makikita sa gitna.

"Hey! Si Gweny!" mahinang sigaw ni Claire at saka nito tinuro si Gwen na nakaupo sa gitnang parte ng hanay ng mga upuan. Mag-isa lang siya sa hanay na 'yon pero sa tingin 'ko ay doon uupo ang mga nakapulang uniporme.

Nilapitan namin siya. Nakahalukipkip siyang nakatingin sa unahan. Wala pa mang tao roon pero ramdam 'ko na hindi niya talaga kami papansinin. Kahapon pa siya ganyan. Hindi 'ko alam kung ano nanamang ginawa sa kanya ni Ivan.

"Gwen," ako ang tumabi sa kanya. "Hindi ka namin nakita kagabi sa room mo. Saan ka nagpunta?"

May nginuya siya sa kanyang bibig. Batid 'kong chewing gum nanaman 'yon. Buti at hindi siya nauubusan. Marami yata siyang binaon bago pumasok dito.

"May pinuntahan ako, nagpahangin lang," sagot niya ng hindi man lang naglalapat ng tingin sa'kin.

"Buti pinalabas ka ng mga seniors? Bantay sarado kaya kami roon kahapon!" singit ni Ivan. Katabi 'ko lang.

"Hey! Baka naaalala mo, ikaw ang may kasalanan kung bakit siya umalis kahapon!" sabat ni Claire. "I just told you to dance with her!"

"Wow! It's my fault ah? Ikaw itong namimilit. Gusto mo lang yata na ikaw ang isayaw 'ko 'e!"

"Wow! Me? Asa ka."

Bumuntong hininga ako at saka hinigit si Ivan upang tumigil na sa kasisigaw. May ilan kasing nagtitinginan na sa kanila, mga ka-dorm lang din namin pero nakakahiya rin naman kung magpapatuloy sila.

Napatingin nalang ako sa unahan. May malaking TV na nakalagay sa gitna, sapat lang ang laki upang makita ng lahat ng estudyante na nasa loob. Ilang sandali, pagkatapos na mapuno ang Hall ay lumabas sa isang kurtina ang isang babaeng matanda, may dalang puting folder at may suot na salamin.

Bumukas ang malaking telebisyon sa unahan. Logo at pangalan nitong paaralan ang lumabas sa screen nito. Medyo creepy lang ang font nito. Hindi 'ko alam kung bakit ganyan ang sulat kung pwede namang normal na font nalang.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now