CHAPTER 15

138 14 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN: Where's Monica?

Mark's POV



"Kakausapin 'ko siya bukas," tugon ni Gwen matapos naming makabalik sa dorm.

Wala ng tao sa hall way at tanging kami nalang ang gising. Buti nga at walang nakakita sa'min habang pabalik kami rito. 'Di na rin kami gumamit ng flashlight dahil baka mahuli kami at isumbong pa kay Ms. Catherine.

Tumango kaming lahat bago pumasok sa mga room namin. Hindi na namin nagawa pang mag-usap ni Ivan tungkol sa nangyari ngayong araw dahil sa pagod at antok. Humilata agad ako sa kama at napapikit. Mabilis akong dinapuan ng kaantukan.

Kinabukasan ay nagising nalang ako sa liwanag mula sa bintana. Naabutan 'ko si Ivan na nag-aayos na ng sapatos. Mukhang kakatapos niya lang maligo at magbihis.

Kinuha 'ko ang uniporme 'ko at agad na dumeretso sa banyo. Mabilis akong natapos at agad na nag-ayos ng sarili. Nakita 'ko si Ivan na nakatayo sa tapat ng pinto kausap si Gwen. Mukhang hinihintay na nila ako.

"Nahuli niya 'ko kagabi," mahinang natawa si Gwen. "Para siyang nanay 'ko na naghihintay sa'kin pauwi. Pero mukhang wala naman siyang balak na magsumbong since maapektuhan ang buong grupo pag nagkataon."

Mukhang ang tinutukoy niya ay si Monica. Lumabas ako ng room at saka sila binigyan ng tipid na ngiti. Hinarap 'ko si Gwen.

"Nakausap mo na si Monica?" tanong 'ko kay Gwen nang magsimula kaming maglakad.

Umiling siya, "Maagang umalis kaya 'di 'ko naabutan. Mamaya nalang siguro kapag nagkasalubong kami."

Tumango ako at tahimik na naglakad papunta sa school building. Ang first class namin dapat ay si Ms. Grace. Sa kasamaang palad ay hindi siya nagpakita kaya't ang humaliling guro ay si Ms. Rosemary. Hindi naman ako mapakali dahil nag-aalala ako kay Ms. Grace.

"Nasaan na kaya si Grace?" bulong sa'kin ni Gwen. "Kingina talaga ni Catherine."

"Tatanungin 'ko si Ms. Rosemary mamaya," bulong 'ko pabalik saka nakinig kay ma'am. Hanggang sa matapos ang klase.

Kaagad akong tumakbo para mahabol si Ms. Rosemary. Buti nalang at mabagal siyang maglakad kaya't mabilis 'ko siyang nahabol. Tumaas ang kanang kilay niya sa'kin dahil sa ginawa 'ko.

"Yes?" mataray niyang tugon.

"Uh, bakit po kaya wala si Ms. Grace? Alam niyo po ba kung nasaan siya?"

Kunot noo siyang umiling, "She must be at her office," sagot niya at mabilis akong nilagpasan.

Bahagyang kumunot ang noo 'ko at nilingon pa siya ng sandali bago siya mawala sa paningin 'ko. May iba sa kilos niya.

Bumalik ako ng room at inakit sina Gwen sa faculty ng mga teacher. Sa kasamaang palad ay sarado ito. Ganoon nalang ang pagbuntong hininga namin sa sobrang pagkadismaya.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now