CHAPTER 22

117 13 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: Halloween; The Last Party.

Mark's POV




"Damn, pupunta talaga sila kahit na sinabi 'ko ng 'wag," inis na sabi ni Ivan habang nakaturo roon sa labas ng binta ng room namin.

Pinapanood kasi namin ang mga estudyante na papunta sa loob ng school. Mga nakasuot ng magagarang damit at may mga make-up din sa mukha. Binalaan na namin ang ilan sa kanila pero dahil nga wala silang paki, hindi parin sila nakinig.

"Pasaway," tugon 'ko bago tumayo at umupo sa kama niya. "Ang tagal nila Gwen."

Umalis kasi sila ni Monica para raw may gawing importante. Hindi 'ko alam iyon, kahit si Ivan ay walang ideya. Hindi namin sila pinigilan dahil kahit naman gawin namin iyon ay aalis parin sila.

"Saan ba kasi ang punta nila?" inis na tanong ni Ivan. "Malapit nang magsimula ang party, umuunti na ang tao sa labas."

Kumibit balikat ako at napahiga nalang. Bago 'ko pa maipikit ang mga mata 'ko ay may kumatok sa pintuan, kaagad namang binuksan ni Ivan.

"Ayown!" aniya. Natanaw 'ko si Gwen sa labas. "Ano? Saan kayo galing mga babae?!"

"Sa school, may tinignan lang," sagot niya. "At Oo nga pala, nasa baba sina Dean..pati si Victoria. Hanap ka, Ivan."

"Putang--bakit nandito?" singhal ni Ivan at dali-daling nagmartsa papalabas ng room.

Sa akin naman kasunod na tumingin si Gwen, "Puntahan mo na si Dean, aalis na rin tayo maya-maya."

Tumayo ako at lumapit sa kanila, "Bakit sila nandito?"

Ngumiwi siya, "Dito raw muna sila, wala raw silang kasama sa kanilang Dorm."

Tango ang tanging nagawa 'ko bago bumaba sa mini living room at hinanap si Dean. Nakita 'ko siya roon sa tabi ng heater na nagbabasa ng libro.

"Oy," lumapit ako sa kanya. "Buti hindi ka pumunta."

Tumingala siya sa'kin at tipid na ngumiti, "Sabi mo kasi 'e. At saka balita 'ko, pupuntahan niyo raw si Ms. Grace? Baka sakaling makita niyo si camille..iligtas niyo rin siya."

Hindi pa pala niya alam ang tungkol kay Camille? Bumigat ang pakiramdam 'ko at humugot ng malalim na hininga. Dapat niyang malaman ang tungkol sa kapatid niya.

"Dean.." hindi 'ko siya matignan ng deretso sa mata. "Si Camille kasi..may ginawa sa kanya si Ms. Catherine at...kinulong siya."

Nanlaki ang mga mata niya, "Saan? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Ang dami 'ko kasing iniisip, Dean. Pagligtas kay Ms. Grace at pag-labas sa paaralang 'to. Ngayon naman, sina Claire. Kaya halos nakalimutan 'ko na ang tungkol kay Camille."

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now