CHAPTER 02

379 17 0
                                    

CHAPTER TWO: Lucky Pick

Mark's POV



Pag-kaayos 'ko ng aking mga gamit ay humilata muna ako sa kama. Si Ivan naman ang naging abala sa pag-aayos ng gamit niya.

"Saan kaya tayo makakakuha ng uniform? Sa canteen din?" tanong niya sa'kin sa kalagitnaan ng pagtitiklop niya ng damit.

"Malay 'ko. Ang pagkakaalam 'ko kasi ay bilihan ng pagkain ang canteen at hindi damit," sagot 'ko saka marahan na napapikit.

"Ganda mong kausap pre," ngumisi siya saka binato sa'kin ang damit na isa sa hawak-hawak niya. Tumama iyon sa mukha 'ko kaya napapikit ako. "Anyway, sa taas ka tutulog mamaya. Diyan ako sa baba."

Tinuro niya ang double deck na kama. Kung saan ako'y kasalukuyang nakahiga sa ibaba nito.

"Walang problema," sabi 'ko saka tumayo at naglakad papalapit sa bintana dahil tumatama sa mga mata 'ko ang liwanag nito. "Hmm, ang tahimik sa labas. Akala 'ko ba maraming estudyante rito?"

"Eh baka naman nasa mga dorm nila," sagot niya. "Alam mo, pre. Hayaan mo na sila. Buhay nila 'yan, choice nilang lumabas o hindi."

"Weird lang," kumibit balikat ako at saka bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Ilang sandali rin ay natapos na siya. May kumatok sa pinto namin dahilan para mapabangon ako. Si Ivan ang nagbukas nito tutal siya naman ang malapit dito. Niluwa nito si Claire at Kiazielle.

"Oh? Miss niyo na agad kami?" mapang-asar na ngumisi si Ivan.

"Asa ka," ani Claire. "Tara sa canteen, lunch time na oh. Tatawagin lang namin si Gwen."

Tumango kami at saka tumayo para sumunod sa kanila. Nakita namin na kalalabas lang ni Gwen sa room niya. Wala parin sa mood at may nguya nguya paring chewing gum.

"Kumusta roommate mo?" tanong 'ko matapos naming magsimulang maglakad. Nilagay niya ang parehong kamay sa bulsa at saka pinalobo ang nginunguya.

"Tahimik," maikli niyang sagot.

"Magandang babae yung kasama mo, Spooky," singit ni Ivan.

"Okay," ani Gwen saka kumibit balikat at naunang maglakad sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ivan. Ngumiwi lang siya at saka napailing. Nang makalabas kami ng dorm ay doon 'ko nakita ang mga estudyanteng naglabasan mula sa dorm nila. Mukhang lunch na nga dahil ngayon lang umingay ng ganito.

"Saan ang Canteen?" tanong 'ko ng makapasok kami sa loob ng school. Nasa harap namin ang mga nakahanay na locker, kulay pula ang mga ito.

"Nice may locker," ani Ivan saka ito nilapitan. "Ay lock."

Bumuntong hininga ako at nilapitan ang senior na nakatayo sa harap ng banyo, na tila ba ay may binabantayan.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now