CHAPTER 14

137 14 3
                                    

CHAPTER FOURTEEN:The Abandoned Playground; PART II

Mark's POV




Nasa canteen kami ngayon, katatapos lang ng klase namin sa History at napagpasyahan namin na tumambay muna rito. Hindi namin kasama si Gwen ngayon dahil pinuntahan niya si Ms. Grace para kausapin tungkol doon sa play ground na natuklasan namin kahapon.

Balak namin imbistigahan kung ano bang meron doon. Hindi 'ko pa rin makalimutan yung nangyari sa'kin kahapon. Kung tao nga 'yung humigit sa'kin, kawawa naman sila kung gano'n. Paano nalang sila nakakakain?

"Mark, lalim naman ng iniisip mo!" umupo sa tabi 'ko si Ivan at saka ako inakbayan. "Ayos ka lang ba, Pre?"

Tumango ako, "May naalala lang," sabi 'ko bago inubos yung juice na nasa harapan 'ko.

"Marky!"

Tumaas ang kilay 'ko ng lapitan ako ni Claire ng may ngiti sa labi. Kakaiba 'yon kumpara sa orihinal niyang ngiti.

"Oh?"

"May naghahanap sa'yo!" ngumisi siya bago tinuro yung mga babaeng nasa kabilang table. Nanlaki ang mga mata 'ko ng makita roon si Dean.

"Nakakatawa, Claire," inismiran 'ko siya.

"Why? I'm serious!" lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.

Napailing nalang ako at napalingon sa table nila Dean na patay ang tili ng mga kasama niya. Hindi 'ko alam kung tinutukso ba siya ng mga uto o kinikilig sila sa'kin?

"Punta muna akong field," sabi 'ko sa kanila bago tumayo at naglakad papalabas ng canteen.

Kumunot ang noo ng may maramdaman na may sumusunod sa'kin. Ang awkward lang ng ganito, nabaliw na ba ang mga babae rito sa school at parang sa isang iglap ay pinagkakaguluhan ako.

"Mark!"

"Huh?" napalingon ng marinig ang tawag na 'yon. Nakita 'ko si Dean na tumatakbo papalapit sa'kin. "Dean.." binigyan 'ko siya ng ngiti.

"Ano..pasensya ka na roon sa mga kaibigan 'ko ha? mukhang mga tinamaan sa'yo," mahina siyang natawa.

Nanlaki naman ang mga mata 'ko at napaturo pa 'ko sa sarili 'ko.

"Sa'kin?"

Tumango siya, "Oo nga pala, nakita mo ba si Camille? Kanina 'ko pa siya hindi nakikita 'e."

Umiling ako, "Hindi 'e. Ilang araw 'ko na rin 'yung 'di nakikita. Baka, nandiyan lang. Hindi rin naman makakalabas 'yon."

Bumuntong hininga siya bago tumango. Ilang saglit pa ay nagpaalam na siya dahil pupunta pa raw siyang library para mag-aral. Gusto 'ko pa sana siyang kausapin pero sa susunod nalang dahil busy siya.

Pagkarating 'ko sa field ay sakto naman na nakasalubong 'ko si Gwen, nakahalukipkip habang may nginunguya. Kumaway pa 'ko sa kanya nang magtagpo ang mga mata namin.

"Oy, nasaan sina Claire?" tanong niya sa'kin habang nagpapalinga-linga sa may likuran 'ko.

"Iniwan 'ko sila sa Canteen. 'Di pa sila tapos kumain," sabi 'ko bago umupo sa may bench. "Oo nga pala, anong sabi ni Ms. Grace? Pumayag ba?"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon