CHAPTER 27

121 18 3
                                    

Medyo corny
-------------

CHAPTER TWENTY SEVEN: Truths

Mark's POV






"Saan ka, pre?"

Nilingon 'ko si Ivan ng marinig ang katanungan niyang iyon. Kakasuot 'ko lang kasi ng Jacket 'ko at plano 'kong pumunta kay Dean para bisitahin siya. Dapat ay sekreto lang 'to pero hindi 'ko inaakala na makikita niya 'ko. Akala 'ko kasi ay kasama siya nila Lance papunta sa Canteen.

"Diyan lang," sagot 'ko. "Akala 'ko sasama kay na Lance?"

"Hindi na! Naiinis lang ako," humalukipkip siya't ngumuso. "Pinaparinggan ba naman ako! Tapos itong si Gwen pangisi-ngisi lang. Parang hindi kaibigan!"

Mahina akong natawa, "Ano bang pinaparinig sa'yo? Masyado ka kasing nagpapatama."

"Torpe 'ko raw," mapakla siyang natawa. "Akala mo naman siya hindi. Eh hindi nga maka-amin kay Gwen. Suntukin 'ko siya 'e."

"Umamin ka na kasi para hindi ka sabihan no'n."

Sinamaan niya ako ng tingin at binato ng kanyang unan. Kaagad naman akong umilag at sinipa iyon pabalik sa kanya.

"Ewan sa inyo. Wala naman akong gusto roon," nagkulubong siya ng kumot. "Lumayas ka na nga. 'Wag ka na ring bumalik."

Hindi ako umimik at tinawanan lamang siya. Lumabas ako ng kuwarto at deretsong bumaba sa first floor, natigilan ako ng makita 'ko si Dean na naka-upo sa bangkuan habang kausap si Gwen.

Nakabalik na agad siya?

"Buti naman at ligtas kayo," tugon ni Gwen bago ako nilingon at binigyan ng malamig na tingin. "May lakad ka yata?"

Naglakad ako papalapit sa kanila at nilapatan ng tingin si Dean. Gusto 'ko siyang tanungin kung ano ba ang pinag-usapan nila kaso natatakot ako kay Gwen dahil baka may malaman siya, o baka naman alam niya na? Mas lalong nakakanerbiyos 'yon.

"Wala naman," sabi 'ko. "Bakit ka pala nandito, Dean?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at saka tumingin kay Gwen. Sa mga oras na iyon ay may kutob na 'ko. Alam 'ko na agad kung bakit. Yari ako nito.

"Aalis na rin ako, Mark," aniya saka mabilis na tumayo. Tumango siya sa'kin pati na rin kay Gwen. "Uuna na 'ko. Salamat sa oras, Gwen."

Gusto 'kong umalis sa kinakatayuan 'ko para makaiwas kay Gwen. Pero bago 'ko pa man maigalaw ang paa 'ko ay hinarangan niya 'ko. Pinalabas niya muna si Dean bago tinaasan ng kilay.

"Sorry na agad," pangunguna 'ko dahil alam 'ko na naman ang kakalabasan nito.

Humalukipkip siya ng may masamang tingin sa'kin, "Kung hindi pa sasabihin ni Dean. Hindi 'ko pa malalaman. Pumunta kayo sa playground nang hindi namin alam?  Eh 'di sana natulungan namin kayo."

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now