Epilogue

202 14 1
                                    

Epilogue..

Monica's POV



Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala 'ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas ng bahay nila Gwen. Isang buwan nang mahigit simula nang makaalis kami sa malagim na paaralan. Ang Cursydian University. Hanggang ngayon ay nandito parin 'yung hirap na ginawa namin upang makatakas sa paaralan na 'yon. Masaya man na naka-alis na kami roon pero tila binabangungot parin ako ng takot. Hindi 'ko alam kung paano makakatakas dito pero tatatagan 'ko na lamang ang loob 'ko katulad ng ginagawa 'ko dati.

Tumaas ang kilay 'ko nang makita si Gwen sa tabi 'ko. Nakapatong ng braso niya sa railings habang pinagmamasdan din ng tanawin. Ilang saglit pa ay unti-unti niya na akong nilingon.

"Iniisip mo pa rin ba 'yung school?" tanong niya sa'kin. Ramdam 'ko roon ang pag-aalala. "Alam 'kong mahirap kalimutan 'yon, Monica. Pero subukan mong libangin ang sarili mo rito. Wala na tayo sa loob no'n, wala nang mangyayari sa'yo--sa'tin. At saka balik serbisyo na si Grace. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang may hawak ng kasa nong school."

Bumuntong hininga ako at tumango. Pagkatapos kasing bumalik ni Grace sa trabaho ay 'yung unibersidad agad ang pinagtuunan niya ng pansin. Gusto sana naming ipagiba iyon o ipasara ng tuluyan pero wala sa'kin ang titulo no'n. At saka wala rin kaming permiso na gawin iyon lalo na't simula ng makalabas kami ay hindi na namin nahanap si Papa. Wala na siya roon sa school. Alam 'kong nagtatago na sila ngayon.

"Kumusta naman? May alam na ba sila kung nasaan si papa?" tanong 'ko.

Malungkot na umiling si Gwen, "Hindi parin. Nilibot na ng mga kasamahan ni ate ang buong school pero wala silang nakitang ni isang tao roon. Maliban nalang sa mga bangkay.."

Oo nga pala. Tsk, ang baboy-baboy niya talaga.

"Sa susunod na linggo ang libing ni Victoria at Camille. Pupunta raw tayo sabi ni Ivan," mas lalong napuno ng lungkot ang mukha ni Gwen.

Muli akong tumingin sa magandang tanawin na nasa harapan 'ko. Kung nagtatago si papa, malamang may plano pa siya. Hindi lang sa paaralan, sa'kin pati na rin sa mga kaibigan 'ko. Hindi pa siya tapos sa plano niya. Mukhang may darating pang malaki na dapat naming paghandaan. Mas natatakot ako.

Iba ang mundo rito sa labas. Mas magiging malakas sila, ngunit kailangan parin nila na kumilos sa dilim dahil kapag natamaan sila ng liwanag. Susunugin sila ng batas. Batas damit naming sundin.

"Monica," hindi 'ko inaasahan ang marinig ang boses ni Grace. Sabay pa kaming napalingon ni Gwen sa kanya na parehong nakataas ang kilay.

"Ate? Akala 'ko mamaya ka pa? Hindi pa tapos duty mo ah?" inis na sabi ni Gwen saka naglakad papalapit dito para kunin ang kanyang sumbrero.

"Ano 'yon? May balita na ba?" sinandal 'ko ang likod 'ko sa railings.

"Ganoon pa rin sa unibersidad. Hindi pa rin mahanap ang papa mo pati na rin si ms. Catherine. Pero may lead na kami kung saan siya pwedeng nagtatago ngayon," naglakad siya papalapit sa'kin. May namuong ingay dahil sa sapatos nita. "At isa pa. 'Yung request mo na ipahanap 'yung nawawala mong kapatid? Mahihirapan kami. Walang sapat na ebidensya para mahanap siya. Maraming Gavin sa mundo, Monica."

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now