CHAPTER 31

120 10 1
                                    

CHAPTER THIRTY ONE: He's Back

Gwen's POV





Nagpakawala ako ng buntong hininga matapos na makalabas ng kuwarto namin ni Monica. Nag-aalala ako sa lagay niya ngayon, sigurado ako na sumasakit ang ulo niya dahil sa nangyayari ngayon. Kahit naman siguro ako sasakit din ang ulo kung ako ang nasa lagay niya.

Dumeretso ako sa kuwarto nila Claire at naabutan sila nila Grace na seryosong nag-uusap. Umupo ako sa tabi niya at sinandala ng ulo 'ko sa balikat niya. Ano bang pwede 'kong gawin para matulungan si Monica? Pati ako sumasakit ang ulo sa problema niya.

"How's Monica?" tanong ni Claire. "Is she sick or something?"

"Hindi 'ko alam," sagot 'ko. "Pero mukhang kailangan niya ng space."

Tumango siya saka napatingin sa baba at natahimik. Napatingin kaming lahat sa pinto nang may kumatok doon. Tumayo si Kiazelle para buksan ito, hindi na ako nagulat nang tumambad iyong dalawang kumag sa harap namin.

"What's up ladies?" pumasok si Ivan at umupo sa sahig--malapit sa'kin. "Open forum ba 'to?"

"Semi," sagot 'ko. "Anong ginagawa niyo rito?"

"Makikichismis?" si Ivan ang sumagot. Kaagad 'ko siyang sinamaan ng tingin. "Joke lang! Tatanungin lang sana namin kung kumusta si Monica? Mukhang namumutla 'e."

Inangat 'ko ang ulo 'ko at humalukipkip, "Masakit ang ulo niya. Baka gusto niyong ibili ng gamot?"

Ngumuso si Ivan at umiling na parang bata. Sinara ni Mark ang pinto at tumayo sa gilid ng double deck. Tumingin siya sa bintana saka natulala na para bang ang lalim ng iniisip.

Muli 'kong sinandal ang ulo 'ko sa batok ni Grace at napapikit. Bigla akong nawala sa mood na umimik. Ano bang magandang gawin para matulungan si Monica? Hindi 'ko gusto na makita siyang nahihirapan. Kung sana alam 'ko lang ang lahat ng sekreto nitong paaralan na ito ay matagal 'ko na siyang natulungan sa lahat.

Nang magdilim ay bumalik na rin ako sa room 'ko para gisingin si Monica na kumain na ng hapunan. Nang makapasok ay pinagmasdan 'ko siya na mahimbing ang tulog sa kanyang kama at makikita mo na parang wala siyang problema sa buhay.

Napaisip tuloy ako. Kung wala kaya si Monica sa sitwasyon nito, hindi kaya magiging ganito ang pagkatao niya? People change, depends on the situation. Siguro kung wala siya rito ay maayos ang buhay niya sa labas.

Naaawa lang ako dahil iniisip niya pa ang paglaya ng iba kaysa sa sarili niya. Ang tagal niyang sinayang ang buhay niya rito pero hindi 'ko nakitaan na inuuna niya ang sarili niya. Mas gusto niyang unahin ang ibang tao kahit na sa huli siya ang mapapahamak. Suwerte kami sa kanya, nandiyan siya palagi kapag may kailangan kami. Pero ano ba ang magagawa 'ko para masuklian iyon? Kung gayong sa loob ng paaralan nito ay mahina lang kami.

Bumuntong hininga ako at ginising siya. Gusto 'ko man na pabayaan siyang matulog pero kailangan niyang kumain. Kung ayaw man niya eh 'di hindi 'ko pipilitin.

"Hmm?" nagmulat ng mata si Monica.

"Kakain na," sabi 'ko. "Baka gutumin ka pagkagising mo."

"Hindi 'yan," nagkulob siya ng kumot. "Kayo nalang ang kumain. Bukas nalang ako babawi."

"Sigurado ka?"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now