CHAPTER 34

166 17 0
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR: Freedom

Monica's POV




Halos kapusan ako ng hininga matapos takbuhin ang opisina ng principal mula sa entrance ng building. Oo nagmamadali ako. Hindi 'ko hawak ang oras, baka mamaya ay matapos na ang meeting nila Catherine at makita nila sina Gwen. Idagdag mo pa itong mga seniors. Laging nakasunod sa'kin ng mga mata. Para silang CCTV na hindi kailangan ng kuryente para gumana.

Umawang labi 'ko nang mapagtanto na bukas ng pinto. Pumasok ako sa loob at tinignan ang buong paligid. Walang gamit. Simpleng lamesa at bangkuan lang. May mga kabinet pero walang mga laman. May mga papel pero walang sulat. Walang mapapala rito. Mali ako ng hinalala, wala sa opisina ng matandang lalaki na iyon ang susi.

Mabilis akong lumabas ng opisina at tumakbo palabas. Nanlaki ang mga mata 'ko nang biglang humarang sa harap 'ko si sir Erickson. Gulo-gulo ang kanyang buhok. Tinaasan 'ko siya ng kilay sa pagtataka kung bakit niya 'ko hinarang.

"Did you get it?" natataranta niyang tanong. "Malapit nang matapos ang meeting."

"Hindi pa. Hindi 'ko alam kung nasaan," sabi 'ko. "Pilitin mong patagalin ang meeting. Pupuntahan 'ko muna sina Gwen sa Gate."

Tumakbo na 'ko paalis sa kanya at dumeretso sa Gate. Umawang ang labi 'ko nang makita ang lahat na naka-kalat sa daan. Nagtaka ako kung bakit sila nakatigil pero hindi 'ko na lamang inintindi iyon at mabilis na hinanap sina Gwen. Nakahinga ako ng maluwag nang makita sila. Kumunot ang noo 'ko nang makita silang nakatulala.

"Gwen," sabi 'ko pagkatapos na hampasin siya sa braso.

Hindi nawala ang pagkakunot ng noo 'ko. Dahil sa pagtataka ay unti-unti 'kong nilingon ang taong pinagmamasdan nila. Nanlaki ang mga mata 'ko nang makita kung sino ito. Halos kapusan ako ng hininga nang makitang hawak-hawak niya si Victoria at may kutsilyong nakatutok sa leeg niya.

"B-Bitawan mo siya!" sigaw ni Ivan.

Hindi siya pinansin ng lalaki at nang makita ako ay napunta ang buong atensyon niya sa'kin. Pinilit 'kong alisin ang kaba at takot 'ko sa mga oras na ito. Pinanatili 'ko ang seryoso 'kong mukha bagama't ayaw 'ko na makita niya ang kaba sa'kin. Tiyak na gagamitin niya iyon para takutin ako.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at humakbang papunta sa direksyon niya. Sandali 'kong nilapatan ng tingin si Victoria at kitang kita 'ko sa mga mata niya ang takot. Lalo na ngayon ay may pumapatak nang luha sa kanyang mga mata.

Kinagat 'ko ang aking pang-ibabang labi at muling tinignan ang lalaking nasa harapan 'ko ngayon. Kahit may maskara ang kalahati niyang mukha ay kita 'kong nakangisi siya. Gusto 'ko siyang saktan pero mapapahamak si Victoria.

"Let her go. Wala siyang ginagawang masama sa'yo," sabi 'ko habang pinapakalma siya.

Napatingin ako sa dibdib niya at halos mapatalon ako sa saya nang makita ang kwintas niya, may nakasabit doong susi. At alam 'ko na iyon ang susi sa Gate.

"I know pero kilala mo ako. I am doing this for justice," he said na halos matawa pa.

"Hindi ito hustisya, Rupert." tugon 'ko sa totoong pangalan niya. "Ibang tao ang gumawa sa inyo noon. Ibang tao ang pumatay sa mga anak mo. At wala kaming lahat noong nangyari ng insidenteng iyon. Inosente kaming lahat."

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now