CHAPTER 20

107 13 0
                                    

CHAPTER TWENTY: Kulungan

Gwen's POV

Hingal naming tinayo si Mark mula sa pagkakahiga at inakay siya papasok ng Gym. Buti nalang at nagawa naming takasan iyong dalawang seniors na humabol sa'min. Hindi ako makapaniwala na muntikan na kaming mahuli, buti nalang at parehong tanga iyong humabol sa'min, mabilis naming natakasan.

Pumasok kami roon sa silid ni Coach Jordan at ini-upo si Mark sa swivel chair. Pinaypayan 'ko siya ng papel hanggang sa tuluyan ng dumilat ang mata niya.

"Ayos ka lang?" tanong 'ko sa kanya ng dumaing siya.

"Hmm," aniya. "Si Ivan? Claire? Kiazelle?" nagsimula na siyang magpanic.

"Teka," sabi 'ko at tumayo.

Kinatok 'ko iyong pintuan ng maliit na silid ni coach, umaasang nandoon sina Ivan. Nang pagbuksan ako ni Coach ay ganoon nalang ang pagkunot ng noo 'ko ng makitang si Ivan lang ang nasalikod niya. Wala sa sarili at parang kahit anong oras ay mahihimatay na.

Anong nangyari?

"Sina Claire?" tanong 'ko kay Ivan. Pero hindi siya sumagot. "Hoy! Rinig mo ba 'ko?"

Bumuntong hininga si Coach at saka niya inakay si Ivan papalabas ng silid.

"Mag-usap muna kayo," aniya bago niya sinara ang pinto.

Biglang nanikip ang dibdib 'ko. Hindi 'ko gusto ang awra ni Ivan ngayon, lalo na't wala sa tabi niya sina Claire at Kiazelle. May iba 'e...at parang hindi maganda.

"Ayos lang ba 'yang kaibigan mo?" bulong sa'kin ni Monica habang pinagmamasdan namin si Ivan na nakaupo. Malalim parin ang iniisip.

"Hindi 'ko alam, parang hindi," sabi 'ko. "May hindi magandang nangyari, ramdam 'ko."

Tumango at ngumiwi siya, "Nasaan iyong dalawang babae?"

Iyon din ang tanong na umiikot sa isip 'ko. Nasaan sina Claire? Bakit wala sila rito? Hindi kaya..shit.

Tumayo ako at saka nilapitan si Ivan, "Mag-usap nga tayo. Anong nangyari? Nasaan sina Claire?"

Napalunok siya ng ilang beses, "Nahuli kami pabalik dito," namamaos niyang tugon. "Hinuli sila ng dalawang senior at hindi 'ko alam kung saan nila sila dinala. Ang tanging alam 'ko lang ay nakatakas ako at naiwan sila roon sa mga gagong iyon."

"Ha?!" singhal 'ko. "Paanong--shit! Alam ba nila ang plano na'tin?" halos pumiyok na ako sa sobrang inis.

"Malay 'ko!" sigaw ni Ivan. "Guys, ayaw 'ko pang mamatay. Baka ako na ang kasunod!"

Nasapo 'ko ang mukha 'ko dahil sa galit at kaba. Kung nasaan man sana sina Claire ngayon, sana maayos lang sila. Kapag sinaktan sila ni Catherine, kingina baka makapatay ako ng tao.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now