CHAPTER 32

116 9 0
                                    

CHAPTER THIRTY TWO: We're coming

Mark's POV





"Favorite subject, PE!"

Sabay-sabay naming nilingon si Ivan nang marinig ang sigaw na iyon. Pati ang ilang nakakasabay namin ay napapalingon din sa kanya. Lalo na iyong mga seniors, hindi maalis ang tingin sa'min. Para bang kapag kumilos kami ay may mali, kahit ang totoo ay wala naman.

Kinuha namin ang PE uniform at nagpalit sa kanya-kanyang banyo. Medyo sumikip sa'kin ang pants 'ko, parang tumaba yata ako. Pihikan naman ako sa pagkain kaya imposible na tumaba ako. Baka maling uniform ang nakuha 'ko.

"Ano? Ayos ka lang?" nilapitan ako ni Ivan at tinignan ang pants 'kong inaayos 'ko. "Problema?"

"Sikip," sabi 'ko. "Sa akin ba ito? Parang hindi naman."

"Baka naman tumababa ka 'tol?" mahina siyang natawa.

"Hindi naman siguro.Baka nagkapalit naman tayo?" tinuro 'ko ang suot niya. Tinignan niya iyon at umiling.

"Akin 'to," aniya at nagawa pang ipakita ang pangalan niyang nakasulat sa loob nito.

Pagkalabas namin ay dumeretso agad kami sa field at hinanap ang grupo namin. Wala pa si Gwen at Monica kaya panigurado ay hindi pa sila tapos magbihis. Hindi pa naman time at wala pa rin si sir kaya abot pa sila bago manghuli ang mga seniors.

Napagdikit 'ko ang labi 'ko nang matanaw 'ko sa hindi kalayuan si Dean na naka-upo sa damuhan habang may kausap na babae. Umihip ng hindi kalakasang hangin na naging dahilan upang mapapunta ang ilan niyang buhok sa kanyang mukha. At sa oras na tanggalin niya iyon ay napatingin siya sa'kin at ako naman itong iwas agad ng tingin. Mabuti at dumating na sina Gwen kaya't kinausap 'ko sila.

"Tagal niyo," sabi 'ko sabay muling sulyap kay Dean. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi ba siya nakatingin sa'kin. Nilapatan 'ko muli ng tingin si Gwen.

"Tagal magbihis nong ibang babae," sagot niya na halatang naiinis. "Oo nga pala, Ivan. Miss ka na raw ni Victoria," mahina siyang natawa.

Kumunot agad ang noo ni Ivan habang kami ay hindi napigilan ang mahinang pagtawa. Iba talaga mabwisit itong lalaki na 'to, nanliliit ang mata at namumula rin. Hindi 'ko alam kung dahil ba 'yon sa kilig o galit pero sobrang pula niya talaga.

"Nakakatawa?" giit niya. "Sarap niyong ibalibag."

Ngumising pamang-inis ako at hinintay si coach Jordan na dumating. Medyo late siya kasi lampas 1:00 pm na. Buti nalang at hindi hinuhuli ng mga seniors ang mga teachet kasi kung Oo ay baka kulong na iyong ibang prof namin ngayon.

Dumating siya nang may dala-dalang mga puting bola. Lahat kami ay nagtaka kung ano ba ang gagawin doon. Hindi kasi siya bola pang-basketball o volley ball. Parang normal na bola lang siya na ginagamit ng mga bata sa paglalaro.

"Good morning Cordian," masiglang bati niya sa lahat. "Kumusta? I miss you all," mahina siyang natawa saka pina-ugtol ang bola sa damuhan. "Anyway, may clue ba kayo kung ano ang gagawin na'tin ngayong araw?"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now