CHAPTER 26

110 20 0
                                    


CHAPTER TWENTY SIX: Ang Huling Plano

Mark's  POV





Nakahinga ako ng maluwag matapos naming makarating sa dorm ni Dean. Tinulungan 'ko siyang ipasok si Camille sa loob. Walang katao-tao sa hall ng kanilang dorm, mukhang ang lahat ay nasa loob ng kanilang mga room.

Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa kuwarto ni Dean. Kaagad niyang dinala si Camille sa kama at inupo roon. Gayon din ang ginawa 'ko kay Mich.

"Pwede bang dito muna siya?" tanong 'ko. Patukoy kay Mich.

"Oo naman," nakangiti niyang sagot. "Liliguan 'ko muna sila, Mark. Pwede bang bumili ka muna ng pagkain at gamot?" tinuro niya ang kanilang mga sugat. "Lilinisin 'ko na rin itong mga sugat nila."

Walang imik akong tumango saka tumakbo papalabas ng kanilang dorm. Kaagad akong dumeretso sa canteen at bumili ng mga pagkain. Kasunod ay sa clinic upang kumuha naman ng gamit. Si Josh ang sumalubong sa'kin.

"Yow!" masigla niyang bati. "Still alive ah? Kumusta kaibigan mo? Iyong maganda."

Tumaas ang kilay 'ko, "Sinong maganda? Maganda lahat ang kaibigan 'ko."

Humalakhak siya, "I mean si Claire."

Nakangiwi akong tumango, "Ayos naman siya," sabi 'ko. "Oo nga pala, may panlinis ka ba riyan sa sugat? Kahit anong panglinis. Baka pwedeng makahingi."

"Sige, wait lang."

Tumango ako at umupo muna roon sa bangkuan na palapit sa pinto. Matagal bago nakabalik si Josh pero buti nalang at may dala na siyang mga kagamitan na kailangan 'ko.

"Here you go!" aniya at inabot sa akin ang mga iyon. "By the way, kanino mo paggagamitan iyan?"

Ngumising aso ako, "Basta Doc," sabi 'ko bago naglakad papalabas ng clinic.

Tumakbo ako papunta sa dorm nila Dean upang maibigay sa kanya ang mga kailangan niya. Napatigil ako ng saktong makasalubong 'ko siya sa hallway, papunta sa room niya.

"Nakakuha ka?" nilingon niya ang dala 'ko.

Tumango ako at inabot sa kanya iyon. Bago ako makapasok sa loob ng kanyang room ay pinigilan niya ako. Napataas maman ang kilay 'ko.

"Pwede ka ng bumalik sa dorm mo, salamat. I think..kailangan muna namin na mag-usap," tipid siyang ngumiti.

"Ah..gano'n ba? Sige, alis na 'ko," napakamot ako sa likod ng aking ulo. "Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan kayo."

"Sige."

Tumango ako at tuluyan ng lumabas ng kanilang dorm pabalik sa dormitory 'ko. Katulad nalang kanina ay walang tao sa hall way. Tahimik at ang payapa. Natigilan lang ako ng biglang sumulpot si Monica sa kawalan at binigyan ako ng malamig na tingin. Sunod-sunod na paglunok ang nagawa 'ko.

"Saan ka galing?" taas kilay niyang tanong sa akin.

Nakagat 'ko naman ang pang-ibabang labi 'ko at tipid na ngumiti.

"Sa labas lang," sagot 'ko. "Ikaw, saan ka galing?"

Kumibit balikat siya't tinalikuran ako, "Diyan lang, nagpahangin."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya papunta sa kanyang kuwarto. Hindi 'ko parin maiwasan na magtaka sa biglaang pagkilos niya ng ganoon. Ayaw 'ko naman na pagsuspetsiyahan siya ng kung ano. Siguro ay may pinuntahan nga lang siya at ako naman itong masyadong nagiisip.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now