CHAPTER 03

266 19 0
                                    

CHAPTER THREE: Bilog na Buwan

Mark's POV


Deretso ang aking pagtingin sa stage habang binabalikan ang mga sinabi ni Ms. Catherine kanina. Maraming pumapasok sa isip 'ko pero baka mga maling akala lang ang mga ito. Hindi pa man nagsisimula ang klase pero parang may iba ng nangyayari.

Naramdaman 'ko ang pagsiko sa'kin ni Ivan ng tumunog ang isang sweet music. Perfect by Ed Sheeran. Nginuso niya si Kiazelle na tahimik lang na kinakain ang kanyang cake habang si Claire sa kanyang tabi ay panay ang imik.

"Isayaw mo na, Pre. Chance mo na," bulong niya sa'kin. Tinulak niya pa ulit ako para tumayo.

"Baka hindi pumayag. Hindi yata ako type," sabi 'ko, bahagya pang napasulyap kay Kiazelle.

Humalakhak si Ivan, "Kiazelle!Oy!" sigaw niya.

"Po?" nag-angat siya ng tingin at tinaasan ng kilay si Ivan. Patago akong siniko nito para sabihing ako naman ang magsalita.

"Ano..sa-"

"Sayaw daw kayo, Girl!" pangunguna ni Claire. Nilapatan 'ko siya ng masamang tingin bago napailing. Pinangunahan pa. "Payag na! Once a year lang 'to! Don't waste it."

Napalunok siya at saka ako tinignan. Doon ay nagtagpo ang mga mata namin. Nanuyo ng lalamunan 'ko ng higitin kami ni Claire at sa pagtulak ni Ivan sa'kin. Nanatiling nakatingin sa'min si Gwen pero alam 'kong wala naman siyang pakialam.

"Dance well," bulong ni Claire bago kami iniwan sa gitna ng dancefloor at kasabay no'n ay ang pagtutok ng puting ilaw sa'min.



Ivan's POV

"Hey! You two won't dance? Ivan? Isayaw mo si Gwen!" sigaw sa'min ni Claire. May hawak siyang juice at pinggan na may cake.

Umirap si Gwen at binigyan pa 'ko ng masamang tingin. 'Di 'ko naman siya inaano, bakit galit?! Akala mo naman isasayaw 'ko nga. Batukan 'ko pa 'yan eh.

"Yak! Baka pati isayaw 'ko 'yan," umakma akong nasusuka. "Pwe! Hahanap ako ng maganda, hindi 'yang mukhang spooky doll. Alagad yata 'yan ni Annabelle."

"Gago ka ah," tumayo siya saka ako hinigit sa buhok. Pumikit nalang ako sa sobrang sa'kit. Gago, yung anit 'ko.

"Hey! Don't fight!" awat ni Claire. "Friends tayo right? Walang mag-aaway."

"Wala namang perpektong pagkakaibigan. Lahat dumadaan sa awayan," giit ni Gwen saka niya sinipa ng malakas ang kanyang bangko at naglakad papaalis.

"Pikon 'yun," sabi 'ko at napatayo na rin. "Kasalan mo 'to, Claire eh. Hahanapin 'ko nalang yung ka-roommate niya. Bantayan mo si Mark."

"Uh, you mean si Gwen ang hahanapin mo? You don't even know the name of that girl!"

"Eh 'di itatanong kapag nahanap. Ang bobo mo," giit 'ko at nilayasan siya roon sa table namin.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now