CHAPTER 06

171 17 2
                                    

CHAPTER SIX: CCTV Room

Mark's POV

Hindi lahat mapakali sa klase dahil hanggang ngayon ay abala parin sila sa pag-uusap tungkol doon sa nangyari kanina. Hindi 'ko rin alam kung paano nangyari iyon! Masamang mambintang ng tao kung wala ka namang proweba. Pero hindi maalis sa isip 'ko yung nangyari kagabi.

May kinalaman kaya si Monica rito?

"Cordian? Narinig niyo ba ang sinabi 'ko?" tanong ni sir Erick na kunot ang noo sa'min. "D.K? Walang nakikinig sa inyo."

Lahat kami ay napalingon sa mga estudyanteng nakasuot ng itim na skirt at slacks. Tila ang ilan sa kanila ay balisa. Mga wala sa sarili at ang ilan ay nakatingin sa malayo.

D.K ang nagsilbing tawag sa kanila. Short for Dark Knights. Sila ang nag-isip niyan, hindi kami. Sa yellow naman ay Sunrise Shine. Tawang tawa nga si Ivan bakit daw hindi 'Saging' tutal mukha naman daw unggoy yung iba sa kanila tapos mukhang saging si Victoria.

"D.K? Ms. Sydney?" pag-uulit ni Sir. Nanatiling nakatulala si Syd sa bintana. "Miss? Kung hindi niyo 'ko lilingunin ay kukunin 'ko ang flag niyo."

"Here, kunin mo. I don't care," sabi nito na napatungo nalang. "Gusto 'ko nang umalis dito."

Bumuntong hininga si Sir bago nilapitan ito para kunin ang flag. Nang makabalik sa unahan ay binura niya ng lahat ng nakasulat sa board at hinarap kami.

"Hindi ako makakapag klase nito kung lahat kayo ay wala sa inyong mga sarili," tugon ni Sir at saka nagsimulang maglakad lakad. "Nabalitaan 'ko ang nangyari kanina, sino 'yung binatang buhat buhat ng mga seniors?"

"It was lucas, Sir," sagot ni Sydney. "Who the hell killed him? Wala naman po siyang nakaaway na ibang tao bukod sa'kin."

"Exactly!" singit nong Victoria. "Ikaw lang ang nakaaway niya! May posibilidad na ikaw ang gumawa ng krimen!"

"Me?!" napatayo si Syd mula sa kanyang kinauupuan. "Walang proweba! Hindi 'ko siya kayang patayin! Paulit-ulit nalang!"

Nagkatinginan kami ni Ivan at saka napangiwi. Patuloy parin talaga sila pagsisisihan, ni wala ngang proweba para gawin 'yon. Baka naman si Victoria ang gumagawa.

"Bakit hindi nalang kasi tumawag ng pulis?" bulong ni Ivan sa'kin na alam 'kong inis na.

"Hindi 'ko rin alam. Ang gugulo ng tao rito. Kahit si Ms. Catherine ay walang ginagawang paraan," bulong 'ko pabalik.

Naging mainit ang tensyon pagitan doon sa dalawa. Pilit na pinapakalma sila ni Sir pero mukhang hindi naman epektibo dahil nagsisigawan parin sila.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now