CHAPTER 08

146 14 0
                                    

CHAPTER EIGHT: Field

Gwen's POV



"Another Victim."

Panay ang buntong hininga ng mga taong nasa paligid namin habang pinagmamasdan ang isang bangkay na nakahiga sa damuhan, malapit sa banyo. Hawak pa ang saklay nito.

Hindi 'ko na ginawa pang magtanong sa mga kasama 'ko kasi expected 'ko ng kilala nila ang taong iyan. Hindi naman nakakapagtaka na siya talaga ang kasunod na mawawala. Bukod sa warfreak siya, mukha talagang pag-iinitan siya nong killer. Sino ba namang hindi mapupuno sa kanya? Eh kahapon ay inis na inis din ako sa ginagawa niya.

Bahagya nalang akong napailing bago hinarap sina na Mark na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Sanay na naman siguro kayo, 'no?" tanong 'ko at bahagya pang natawa. "Nadali si Fatima, ang sama kasi ng ugali."

"Kaya ikaw, dapat maging mabait ka na! 'Wag mo 'kong sungitan, baka mamaya ikaw na ang isunod!" giit ni Ivan.

Dumapo sa kanya ang tingin 'ko kaya't sinamaan 'no siya ng tingin.

"Ayusin mo rin muna ang ugali mo saka 'ko aayusin ang ugali 'ko," sabi 'ko bago naglakad papunta sa loob ng school building.

Naramdaman 'ko ang pagsunod nila Mark sa akin kaya 'di 'ko na ginawa pang lumingon. Ilang sandali, ng makarating kami malapit sa Gym ay hinarangan kami ng isang senior.

"Pumunta raw sa Gym ang lahat at pakihanda ng mga ID niyo," sabi nito.

Nagkatinginan kami nila Mark kaya't nagkibit balikat nalang kami. Pumasok kami sa loob ng Gym at saka nadatnan doon si Ms. Catherine na nakahalukipkip at walang makikitang emosyon sa mukha.

"Cordian.." malamig niyang tugon. "Magbubukas na muli ang ating field mula sa pagkakasara nito ng ilang buwan. Ibig sabihin nito ay lalawak na muli ang ating paaralan. Magkakaroon ng iba't ibang uri ng aktibidad at simula bukas ay magkakaroon na kayo ng asignaturang PE. Pumila na lamang kayo sa ating mga Seniors. At pakisunod ng mga bandilang kakulay ng uniporme niyo at pakihanda na rin ng mga ID niyo upang makuha ninyo ang mga PE uniform niyo. Maraming salamat."

Napuno ng bulungan ang buong Gym at saka nagkanya-kanyang pila ang lahat. Bumuntong hininga ako at naglakad papunta roon sa may pulang flag.

"Yown! May PE, makakapagbanat na rin ng buto!" saad ni Ivan. "Grabe, nawawala na yung mga abs 'ko. Kailangan na nito ng exercise."

"Eww! Shut your mouth Navi! Wala ka no'n!" umirap si Claire.

"Nakita mo na?" ngumisi si kumag. Inismiran 'ko siya at patagong napailing.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now