CHAPTER 10: Anniversary Party; PART I

164 14 1
                                    

CHAPTER 10: Anniversary Party; PART I

Mark's POV

Ilang araw na walang imik si Gwen. Pati siya ay gulong-gulo sa kanyang nakita. Hindi namin siya magawang kausapin dahil parang nilalayo niya talaga ang sarili sa'min na magtanong tungkol doon sa narinig 'ko.

Tinikom 'ko na lang ang bibig 'ko. Alam 'kong baka hindi maging komportable sa kanya kapag pinag-usapan pa namin 'yon. Hintayin 'ko nalang na kusa niyang sabihin sa'min ang tungkol do'n.

"May panregalo ba tayo kay usang pricipal?"

Napatingin ako sa reflection ni Ivan na abala sa pag-aayos ng kanyang buhok. Abala ngayon ang lahat sa paghahanda para sa party na mangyayari mamaya. Sa totoo nga ay hindi 'ko alam kung ma-e-excite ako o kakabahan. Simula kasi noong magkaparty last time ay may ibang nangyari kaya parang expected 'ko na pagkatapos ng kasiyahang 'to ay may mangyayaring masama.

Dumami rin ang nawala nitong mga nakaraang araw. Hindi man namin mga kakilala pero hindi 'ko rin maiwasang malungkot. Tiyak na kapag nalaman ng mga magulang nila ang nangyari sa mga anak nila, mapipilitan din silang pumasok dito.

"Kailangan pa ba noon?" tanong 'ko habang inaayos ang suot 'kong necktie.

"Ewan nga 'e," kumibit balikat siya. "Malay mo hindi rin magpakita ung usang principal. Eh ni hindi nga nalabas ng opisina niya 'e!"

Ngumiwi ako, "Baka shy type?" biro 'ko saka naupo sa kama para naman mag-suot ng sapatos.

Pagkatapos naming mag-ayos ay sinundo na namin sina Gwen. Mga simpleng dress lang ang suot nila. Kumpara sa suot ng iba, grabe ang mga disenyo.

"Whoo! Party!" sigaw ni Ivan matapos naming makapasok sa loob ng Gymnasium. "King of the University is here! Luhod mga hampaslupa!"

Napailing na lang ako at naghanap ng mauupuan. Sumama sa'kin sina Gwen tapos si Ivan ay humiwalay, pupunta raw siya roon sa Buffet.

Ilang sandali pa ay lumabas si Ms. Catherine sa stage. Nakasuot siya ng kulay itim na dress at napaka dilim ng make up niya. Yung bang parang may patay.

"Magandang gabi, Cordian," malamig niyang tugon. "Ngayong gabi ay ipagdiriwang na'tin ang kaarawan ng ating pinakamamahal na principal at ang anibersaryo ng ating paaralan. Bilang regalo, makakatanggap kayo ng additional points bawat isa," saad niya. "At magkakaroon din tayo ng Cursydian University king and Queen. O-Obserbahan ko kayo at ng ilang guro. Enjoy this night, Cordian. Thank you," binitawan niya ang mic kasabay non ay ang pagpalakpak ng lahat.

"Omg! I'm so gonna get that Crown!" tinuro ni Claire yung koronang nakalagay sa tabi ng stage. "Buti nagpaganda ako!"

"Ano namang special diyan? Kahit naman masuot mo iyan, mamamatay ka rin," ngumiwi si Gwen.

Bigla 'ko tuloy naalala yung tungkol kay Ms. Grace. Sobrang naku-curious talaga ako sa kanila. Kailan niya ba balak sabihin?

"Babanyo muna ako," sabi 'ko bago tumayo at naglakad papuntang banyo.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now