CHAPTER 12

160 15 2
                                    

CHAPTER TWELVE: Kapatid

Mark's POV

Mabilis na hinanap ng mga mata 'ko sina Gwen. Puno ng kaba at takot ang nararamdaman 'ko ngayon. Kahit na expected 'ko na ito ay hindi 'ko parin maiwasan na maging takot. Lalo na't wala sa tabi 'ko ang ilan sa mga kaibigan 'ko.

"Mark!"

Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Gwen na papatakbo sa'kin.

"Si Ivan? Si Claire?" tanong 'ko sa kanya.

"Hindi 'ko alam," natataranta niyang sagot. "Hindi 'ko sila nakita noong papalabas ako ng Gym. Mabilis ang pangyayari."

Nagpalinga-linga ako, umaasang makikita si Ivan at Claire. Buti nalang at kusang lumapit sa'min si Claire, may hawak-hawak pang Juice.

"Guys! Oh my gosh!" hinihingal niyang sabi. "Oh my!? Where's Navi?! 'Di pa siya bumabalik, right?!"

"Baka bumalik na sa dorm?" tugon ni Kiazelle. "Baka nasa dorm na."

Tumango naman kaming lahat at mabilis na tumakbo papunta ng dorm. Bigla namang kumunot ang noo 'ko ng makakita ng maliliit na patak ng dugo sa sahig--tapat ng pinto.

"Hala! What if Navi's dead na?!" napataklob ng bibig si Claire. "I think, nagpunta dito yung killer."

Napalunok ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Tumakbo agad kami papataas ng dorm, nagbabakasakaling nandoon nga si Ivan.

Nang mabuksan 'ko ang pintuan ng roon namin, ay ganoon nalang ang paghinga 'ko ng maluwag matapos na makita siyang nakahiga sa kama. Parang ang kalim ng iniisip.

"Navi!" sigaw ni Claire. "Hoy! Why did you left there huh? Alam mo bang nag worry kami sa'yo?!"

Biglang napabangon si Ivan mula sa kama saka kami tinignan, iyong parang gulat ba.

"Nag-worry din ako sa sarili 'ko," mahina siyang napatawa. "Alam niyo bang muntikan na 'kong mamatay?!"

Tumaas ang kilay 'ko, "Muntikan?"

"Oo!" tumayo siya at napasilip sa bintana. "Puta, may humabol sa'kin kanina. Parang zombie! Pucha, buti tinulungan ako nong Monica. Akala 'ko, katapusan 'ko na 'e ni hindi 'ko pa nga nasasapak si Victoria tapos mamamatay agad ako? Aba! Mali yata 'yon."

Bahagya kaming napairap at pumasok na 'ko sa loob. Sina Gwen naman ay bumalik na sa kani-kanilang room para makapagbihis na at makatulog.

Sabi 'ko na nga ba at may ibang mangyayari kapag nagkakaroon ng party. Expected 'ko na kaso, iyong pagpatay ang hindi. Namumukhaan 'ko yung babae 'e, kaso hindi 'ko lang matukoy kung sino.

Nagbihis agad ako at nag-ayos ng gamit. Si Ivan naman ay nakatulala sa may bintana na para bang ang lalim ng iniisip. 'Di 'ko matukoy kung ano, pero siguro ay may koneksyon iyon sa sinabi niya kanina.

"Pre, ayos ka lang?" 'di 'ko maiwasang mag-alala.

Bumuntong hininga siya bago lumingon sa'kin. Makikita mo ang takot sa kanyang mga mata. Para bang na-trauma.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now