CHAPTER 13

132 16 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN:The Abandoned Playground; PART I

Gwen's POV


Nasa canteen kami ngayon dahil pumayag nga ako na makipag-usap kay Grace. Hindi dahil pinilit niya 'ko o ano pero dahil gusto 'ko. Alam 'kong may gusto siyang sabihin sa'kin at gusto 'ko namang malaman kung ano 'yon.

Iniwan 'ko na sina Mark doon sa klase namin kasi alam 'ko naman na magiging maayos sila kahit wala ako roon. Kailangan din kasi namin ni Grace ng pribadong lugar para makapag-usap ng maayos. Marami akong katanungan sa kanya na kailangan niyang sagutin.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa'kin. Habang nakaturo roon sa mga tinda, sa harapan niya. Sinabi 'ko na kanina noong papunta kami rito na kahit 'wag na siyang bumili ng pagkain pero napaka kulit.

"Kahit ano nalang, Grace. Sabi 'ko naman sa'yo, kahit 'wag ka nang bumili dahil mag-uusap lang naman tayo."

Tipid siyang ngumiti bago lumapit doon sa senior na nagbebenta at bumili ng iba't ibang uri ng pagkain. Bumuntong hininga ako at napailing, nauna akong naglakad papunta roon sa bakanteng table, malapit sa pinto at umupo. Pinanood 'ko siyang bitbitin yung mga pagkain na binili niya bago umimik.

"Anong pag-uusapan, Grace?" kumunot ang noo 'ko. "Ngayon ka lang talaga naglakas loob na kausapin ako."

Umupo siya sa harapan 'ko at tinulak ang pinggan na naglalaman ng donut. Barbarian iyon kaya tinulak 'ko pabalik sa kanya, 'di naman kasi ako mahilig do'n. Tsaka, nandito kami para mag-usap at hindi kumain.

"Hindi kita ma-tyempohan. Palagi kang busy," sagot niya saka nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Kumusta?"

Bahagya akong napalunok bago dumukot ng chewing gum sa bulsa, araw-araw akong may baon nito para kumalma ako kapag medyo hindi ako nagiging komportable sa paligid 'ko.

"Ayos lang. Buhay parin," may pagkasarkastiko 'kong tugon. "Ano namang kailangan mo sa'kin? Bakit nandito ka?"

"Kasi gusto kitang iligtas," seryoso niyang tugon. "You're in hell, Gwen. Hindi mo alam ang pinasok mo."

Mahina akong natawa, "Bakit 'di mo 'ko pinigilan? Alam mo naman pala na simula palang ay may kaka-iba na rito sa paaralan na ito pero wala kang ginawa. Mas mahal mo kasi ang trabaho mo."

"Resposibilidad 'ko rin ang ibang tao, Gwen. Pulis ako," matigas niyang sabi. "'Di kita napigilan dahil hindi 'ko rin naman alam na papasok ka rito. Hindi mo sinabi sa'kin!"

Mahina niyang hinampas ang mesa sa sobrang inis. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso 'ko at parang may bumara sa lalamunan 'ko kaya agad akong napalunok.

"Wala ka naman kasing tiwala sa'kin," napatungo ako. "Lahat nalang ng mga desisyon 'ko, Grace. Puro bawal, kingina? Paano ako matututo kung puro nalang bawal? Tao rin naman kasi ako!"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now