CHAPTER 05

178 20 0
                                    

CHAPTER FIVE: The Corpse

Mark's POV


Sinundan 'ko ng tingin si Monica habang papalabas ng Hall ngayon kasama si Ms. Catherine. Tila napuno ng nakakabinging katahimikan ang loob ng Hall, wala talagang umiimik. Lahat sila ay nakatingin lang din sa dalawang babaeng papalabas dito.

"Ey, problema noon? Nanay niya ba si Ms. Catherine?" bulong sa'kin ni Ivan na nag-iwas na ng tingin noong makalabas ng pinto sina Monica.

"Bobo, Suarez si Catherine tapos Santiago naman si Monica. Paano magiging magnanay 'yon?" si Gwen ang sumagot saka ito umirap.

Umirap din si Ivan, "Malay mo anak sa ibang lalaki! Duh?"

Bumuntong hininga ako at tumingin nalang sa unahan. Umawang ang labi 'ko ng makitang patay na 'yung screen. Tapos na yata? Wala na rin si Ms. Rosemary sa unahan. Mga seniors nalang ang nandoon at nagliligpit ng mga kalat. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan ang schedule na hawak ni Ivan.

"History ang next class," sabi 'ko at saka tumayo para umalis na. Naglalabasan na rin kasi ang ilang estudyante. Panigurado ay pupunta na sila sa kanilang klase.

Sumunod sina Ivan sa'kin. Hindi 'ko man alam kung saan ang classroom ay sumunod nalang kami sa ibang estudyante. Nakarating kami sa isang malaking room, kaunti lang ang liit nito kumapara sa Hall kanina. May malaking white board sa unahan at maliit na table na mukhang magsisilbing patungan ng gamit ng Prof. Tabi-tabi kaming umupo, walang hiwalayan tutal wala naman kaming ibang kakilala dito.

"Ang boring," saad ni Ivan na nagpakawala ng buntong hininga habang nilalaro ang ballpen na nasa kanyang unahan.

"Hindi pa naman nagsisimula ang class, duh!" sumbat ni Claire.

"Wala akong paki, duh!" sigaw ni Ivan dahilan upang mapatingin sa kanya ang ibang tao.

"Pwede ba? Mamaya na kayo mag-away," suway 'ko, halos 'di 'ko na mapigilan pang huwag mainis.

Ilang saglit pa ay pumasok ang isang lalaki sa loob. May dalang libro at ballpen. Hindi naman katandaan ang mukha niya, batid 'kong bata pa. Pinatong niya ang gamit sa mesa, saka niya kami nilapatan ng tingin.

"Good morning, Cordian," nakangiting bati nito sa lahat. "Ako nga pala ang Prof ninyo sa History. I'm Sir. Erickson Abella. Sir Erick nalang para maikli." Naglakad siya sa board at saka sinulat ang pangalan. "Mayroong drawer sa mga mesa niyo. Pakibuksan nalang para makuha niyo ang notebook niyo."

Sumunod naman kami at kinuha 'yon. Pagkatapos ay nagsimula na siyang mag-discuss ng lesson. Ginawa 'kong abala ang sarili 'ko sa pakikinig. Napalingon ako sa paligid 'ko, iilan lang ang nakikinig sa kanya at yung iba ay abala sa mga sarili nilang bagay.

"Cordian? Pwede bang pumunta rito ang leader ng bawat grupo? Bibigyan 'ko kayo ng flag. Everytime na magkaklase tayo ay dapat hawak niyo ang mga ito, sa oras na kunin 'ko sa inyo ay wala kayong makukuhang points. I want you all to listen to me. Boring man ang history class pero may matututunan parin kayo kaya 'wag niyong baliwalain."

The Curse Of Cursydian University (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora