CHAPTER 19

110 12 0
                                    

CHAPTER NINETEEN: Basement

Mark's POV



Dinner ng magsimulang bumalot ang kaba at excitement sa'kin. Na-i-imagine 'ko na kasi ang pwedeng mangyari sa oras na maging successful ang plano namin pero natatakot din ako sa kabaliktaran no'n.

Hindi ako mapakali habang kumakain. Tahimik din sina Gwen na para bang ang lalim ng iniisip. Si Monica at ganoon din habang nakatulala sa malayo. Mga wala sila sa sarili ngayon, baka kinakabahan.

"Washuu!" bigla kaming napalingon kay Ivan. "Para kayong nalugi! Chill lang, kaya na'tin 'to!"

Bumuntong hininga si Gwen, "Alam 'ko. Medyo kinakabahan lang, baka mapahamak kayo."

"That's okay, Girl! Just go save Ms. Grace," ani Claire. "Kaya na'tin 'to, but if ever nga na may mangyari sa isa sa atin? Let's find a way to save each other, okay?"

Tumango kami at mabilis na inubos ang pagkain namin. Dumeretso agad kami sa Gymnasium kung saan ay nakita namin si Coach Jordan na naglalampaso ng sahig. Napatingin siya sa'min at biglang namuo ang ngisi niya sa labi.

"The Six bravest Cordian," tugon niya at naglakad papalapit sa'min. "I'm excited to see your plan. Especially the part where you'll save Grace," nilingon niya si Gwen. "Don't forget our deal, Ms. Perez."

Ngumiwi lang si Gwen, "Hinding-hindi 'ko iyon makakalimutan, Coach."

Habang nag-uusap sila ay naramdaman 'ko ang pagsiko ni Claire. Bahagyang kumunot ang noo 'ko bago siya nilingon.

"What's their deal? Sorry ah? 'Di kasi ako updated," napairap siya.

"Kailangan 'ko pa bang sabihin? Tinatamad kasi akong mag-explain," mahina akong natawa.

"Explain mo na," inis niyang bulong.

Wala maman akong nagawa kung 'di sabihin sa kanya iyong deal nila Gwen at Coach. Natatawa nalang ako kapag naiisip 'ko iyon. Sa delikadong bagay na aming gagawin, nagawa pa talaga ni Coach na kalabanin si Gwen.

"Ah, ang dami naman niyang alam," tugon ni Claire.

Natawa nalang ako at tumingin kay Coach Jordan. Kahit na naglalampaso ng sahig ay nagagawa parin na kausapin sina Gwen.

"Ako ang bahala, Ms. Santiago. Ligtas sila sa'kin," saad ni Coach. "Pero 'wag kayong sasabit pabalik dito ah? Madadamay ako."

Umirap si Gwen, "Wala ka rin silbi kung gano'n," inis niyang tugon. "Basta Coach, bantayan mo sila. Sumabit man o hindi. Maikli lang din naman ang buhay na'tin sa impyernong ito kaya ayos lang kung maagang magitlian sa leeg."

Bumuntong hininga si Coach at tinuro iyong maliit na silid, "Pumasok nga muna kayo roon at baka mamaya ay may pumasok na seniors dito saloob, mahuli pa kayo."

The Curse Of Cursydian University (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя