CHAPTER 21

122 13 1
                                    

CHAPTER TWENTY ONE: Second Plan

Mark's POV


"Anong nangyari sa'yo?" tanong 'ko kay Monica matapos makita siyang naglalakad papasok ng dorm.

Napadpad ang mga mata 'ko sa tuhod niya, nakita 'ko ang pagtulo ng dugo mula sa rito. Bahagyang kumunot ang noo 'ko pero 'di 'ko na tinanong pa kung saan niya nakuha iyon.

"Wala," malamig niyang tugon. "Si Gwen?"

"Uh, nasa kwarto niyo yata," sagot 'ko. "Bakit?"

Umiling lang siya at hindi na muling nagsalita. Sinundan 'ko siya papataas ng floor, hanggang sa tumigil siya sa kwarto niya. Papasok na sana ako sa room 'ko ng magsalita siya.

"Oo nga pala, may sasabihin ako mamaya sa dinner. Dapat nandoon kayo," saad niya saka niya sinara ang pintuan ng room niya.

Sa sobrang pagtataka kung ano 'yon ay hindi nawala sa isip 'ko 'yon hanggang sa pumunta kami sa afternoon class. Gusto 'ko man na makinig sa Prof namin pero wala rin, iyong sinabi parin ni Monica ang nasa isip 'ko.

Nong mag-gym class ay doon lang ako natauhan ng marinig 'ko ang pito ni Coach. Si Ivan naman ay siniko ako.

"Basketball tayo ngayon," anunsyo ni Coach kaya ang lahat ay nagsigawan sa saya lalo na iyong mga lalaki. "Okay, so by group tayo. Lahat ng leader ang siyang magbibigay ng points sa ka-grupo niya. Hindi 'ko rin naman kayo lahat mababantayan kaya sila na muna ang incharge sa grades. Make sure na makikinig kayo sa lecture 'ko, roon nakasalalay ang grades niyo, maliwanag?"

"YES COACH!" sigaw ng lahat.

Sa Gymnasium kami pumunta at naglaro nga ng basketball. Naging madali lang sa'min iyon ni Ivan dahil naglalaro na naman kami nito noon pa man bago pumasok sa paaralan na'to. Hindi 'ko naman maiwasang mamangha kay Gwen kasi kahit anong tira niya ay pasok.

"Nice Gwen!" tugon ni Ivan saka siya nakipag-apir dito.

"Salamat," iyon lang ang sinabi ni Gwen bago siya naglakad papunta roon sa mga upuan para umupo.

Naglaro nalang ulit kami at saka nagpa-grade kay Monica. Hindi naman siya tumitingin sa'min kaya hindi 'ko alam kung paano niya kami binibigyan ng grade.

"Next," aniya kaya umalis na 'ko ng pila. Si Ivan naman ang sumunod. Hindi rin siya nakatingin pero lahat ng tira ni Ivan ay pasok. "Next."

"Ayos ba? Galing 'ko 'no?" sabi niya at nakipag-apir sa'kin. Tumugon lang ako at naupo sa tabi ni Gwen na tahimik. "Tahimik mo naman, Spooky. Ayos ka lang?"

Tumingin sa kanya si Gwen at bumuntong hininga ito. Bahagya siyang napasandal sa upuan at pinagkrus ang kanyang tuhod.

"Ayos lang naman, inalala 'ko lang sina Claire. Hindi ako sanay ng wala sila," ngumiwi siya. "Kumusta na kaya iyong mga 'yon?"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now