CHAPTER 17

120 18 1
                                    

CHAPTER SEVENTEEN: Lagnat

Mark's POV




"Sumabay ka na sa'min mag-agahan."

Napalingon ako kay Gwen na kalalabas lang ng kanyang kwarto kasama si Monica. Mukhang magkasundo na agad sila. Sa bagay, parang pareho lang naman sila ng ugali. Mas creepy nga lang si Monica.

"'Di na, may pupuntahan pa 'ko," sabi ni Monica bago nito tinalikuran si Gwen. Gayon nalang ang pagbuntong hininga niya bago ako lingunin.

"Sina Claire? Ivan?" tanong niya sa'kin.

"Si Ivan ay nagbibihis pa. Sina Claire ay nasa loob pa yata. Alam mo naman 'yon, matagal mag-ayos." mahina akong natawa. "Kumusta pala kayo ni Monica?"

"Ayos lang, ganoon parin," ngumiwi siya. "Hindi 'ko matukoy kung ano parin ang problema niya. Akala ko'y magkakasundo na kami pero parang umiiwas parin siya."

Sino ba naman ang magtataka? Maraming sekreto na tinatago iyon, malamang ay iiwas talaga siya para ilayo ang sarili niya sa mga tanong namin.

"Lalambot din iyon," sabi 'ko bago nilapitan ang pinto nila Claire at kinatok iyon.

Nakatatlong katok ako bago nila kami pinagbuksan, si Claire ang bumungad sa'min at puno ng pag-aalala ang makikita sa kanyang mukha.

"Guys! Si Kiazelle, may lagnat," pabulong niyang tugon bago tinuro si Kiazelle na nakahiga sa kama at balot ma balot ng kumot. "Hindi 'ko alam ang cause pero simula nong pagkagising 'ko ay mainit na siya."

Nilapitan naming dalawa ni Gwen si Kiazelle at hinipo ang kanyang noo. Mainit nga 'yon, baka naambunan siya kagabi dahil sa ulan.

"Uminom na ba ng gamot?" tanong ni Gwen.

Umiling si Claire at saka bumuntong hininga, "There's no medicine in the living room. Baka nga hindi sila nag-i-stock ng gamot 'e."

Bumuntong hininga rin ako. Ano ba namang klaseng paaralan 'to. Maiinis ka nalang talaga kahit hindi mo gusto.

"Tatanungin 'ko si Monica, baka alam niya kung saan nakakakuha," tugon ni Gwen. "Pwede bang dito ka muna? Bantayan mo muna si Kiazelle. Babalik kami agad kapag nakahanap na kami ng gamot."

Tumango si Claire, "Okay, tinatamad din naman akong pumasok."

Ngumiwi si Gwen bago tuluyang lumabas ng kuwarto ng walang imik. Binigyan 'ko muna ng ngiti si Claire saka ako lumabas para masundan si Gwen. Naabutan 'ko si Ivan na kakalabas lang ng pinto at nakataas ang kilay.

"Oy? Anong nangyari?" tanong niya sa'min. "Nasaan sina Claire? Late na ba 'ko?"

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now