CHAPTER 28

113 15 0
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT: Unity

Mark's POV


Hindi ako makapaniwala na malapit na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Puno ng kaba, saya at pagkasabik ang bumabalot sa'kin habang naka-tayo sa harap ng bintana--pinapanood ang ilang estudyante sa labas.

Huminga ako ng malalim at ngumiti bago naglakad papalabas papunta sa living room kung saan kami laging nagme-meeting. Naandito ang lahat maliban kay Victoria na wari ko'y dahil parin sa away nila ni Ivan. Umupo ako sa tabi ni Gwen at pinagkrus ang braso 'ko. Bagamat seryoso siya ngayon, kita 'ko parin ang kaba sa mga mata niya.

"Iyong gagawin niyo," tugon ni Monica. "Mark at Ivan, sa pulang dorm kayo pupunta. Gwen at Lance-"

"Teka,bakit kaming dalawa ang magkasama?" walang emosyon tugon ni Gwen. "Bakit hindi tayong dalawa?"

Ngumiwi si Monica, "Kasi iyon ang gusto 'ko. Hindi naman mabigat na trabaho iyon 'di ba? At saka, request rin niyang lalaki na iyan sa'kin iyon. Pinagbigayan 'ko lang, nakaka-awa 'e."

"Ha?" kumunot ang noo ni Gwen at napalingon may Lance. "Anong-"

"Mamaya ka na magreklamo, hindi ka naman mamamatay kung kasama mo iyan," napairap si Monica saka muling binasa ang hawak na papel. "Sa blue kayo, si Claire at Kiazelle ay sa black. Si Dean at Grace ay sa dilaw at ako naman sa green," pagpapatuloy niya. "Alam niyo na naman ang gagawin, ipaalam niyo lang na aalis na tayo pero pilitin niyo sila na huwag sabihin sa kahit kanino. Konsensyahin niyo para manahimik. Alam niyo naman na maraming mata si Catherine kaya gawin niyo ang lahat para huwag nilang iburgar ang tungkol sa plano."

"Pero paano kung maiburgar nila?" tanong ni Claire.

Nilapatan siya ng tingin ni Monica, "Mahihirapan tayo kung gano'n."

Nagkatinginan kami kasunod noon ay ang pagpapakawala ng buntong hininga. Hindi 'ko maiwasan na mag-aalala sa maaaring mangyari sa planong ito. Sigurado ako na may ibang makaka-alam nito maliban sa'min. Mahirap mag-ingat at manahimik dito lalo na kung wala kang laban sa makapangyarihan, baka ang mangyari pa sa iyo ay mamatay.

Pinaakyat muna kami ni Monica sa aming mga kuwarto upang mag-ayos at maghanda. Ewan 'ko ba kung bakit pero kinakabahan ako. Pinagpapawisan kasi ang kamay 'ko pati na rin ang aking noo. Hindi rin ako makahinga ng maayos sa sobrang bilis ng tibok ng puso 'ko.

"Ayos ka lang ba?" nilapitan ako ni Ivan habang siya ay abala sa pagsusuot ng kanyang Jacket. "Bumanyo ka kaya muna? Para kang tinitibi."

Ngumiwi ako at pinanliitan siya ng mata. Naglakad ako papunta sa closet at kumuha din ng itim na Jacket pati na rin mask. Nagsuot kaming pareho ng sapatos para hindi mahirap na maglakad. Hindi 'ko man gusto ay bigla nalang ako pinisitan ni Ivan ng pabango sa leeg.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now