CHAPTER 30

113 14 2
                                    

CHAPTER THIRTY: Fraud

Mark's POV



Sabay-sabay kaming pumunta sa Hall para malaman kung ano nga bang sasabihin ni Ms. Catherine. Ngayon lang ulit naglabasan ang iba sa mga dorm nila, pero alam 'kong napipilitan lang sila dahil mukhang wala talaga sila sa mood na lumabas.

Katulad ng dati ay chineck muna ng mga seniors ang ID namin bago kami pinapasok sa loob. Napuno ng ingay ang hall, para bang ngayon-ngayon lang silang lahat nagkita. May ilang tahimik at may ilang takot. Pero mas nangingibabaw ang saya ng lahat.

Tabi-tabi kaming umupo nila Gwen--malapit sa stage kung saan natanaw namin ang mga teacher na nagtitipon-tipon at seryosong nag-uusap. Wala pa si ms. Catherine, mukhang papunta palang. Wala kaming naging imik at pinanood lang ang lahat. Nang makita 'ko si Victoria ay agad 'kong siniko si Ivan.

"Bakit?" tanong niya.

Nangisi 'kong tinuro si Victoria sa kabilang row na abala sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Nalukot ang mukha ni Ivan at inirapan ako.

Humalakhak ako at natahimik ulit. Napatingin nalang doon sa mga teacher na nag-uusap parin. Hindi 'ko napigilan na mapa-isip, sobrang seryoso nila. Ano kayang pinag-uusapan nila? Tungkol ba 'to sa meeting na 'to o baka naman kay ms. Catherine? Curious din ako.

Napatingin kaming lahat sa pinto ng Hall matapos na marinig ng pagbukas nito. Natahimik ang lahat ng pumasok si ms. Catherine sa loob, para bang nakakita sila ng multo. Sa totoo lang ay mas matindi pa siya sa multo, parang demonyo gano'n. Dahil kahit anong oras ay pwede ka niyang patayin.

Umakyat si ms. Rosemary sa stage at dumeretso sa mic. May hawak siyang papel at may binasa siya roon.

"Everyone, please stand," aniya. Kaagad namang tumayo ang lahat. "Greet ms. Catherine a good afternoon."

"Good afternoon!" bati ng lahat.

Napatingin ako kay Gwen--Seryoso siyang nakatingin kay Catherine na para bang tutunawin niya ito ng tingin. Ganoon din si Monica na kunot na kunot ang noo kaya makikita mo talagang may galit siya rito. Binasa 'ko na lamang ang pang-ibabang labi 'ko at umupo nang makita ang pag-upo ng iba.

"Good afternoon Cordian," bati ni ms. Catherine. "It's been a while, right? Hindi pa bakasyon pero ang ilan sa inyo hindi na pumapasok. School pa rin naman ito so why are you stopping yourself from reaching your dreams?" ngumusi siya.

Kumuyom ang kamao 'ko, gusto 'kong mainis sa kanya. Hindi naman kami magkakaganito kung hindi dahil sa pamumuno niya. Nakakatamad magpursige, nakakatamad abutin ang pangarap mo kung ganito rin naman ang hamon na haharapin mo. Mas mauuna kapang mawala sa mundo kaysa maabot ang pangarap mo.

"I just wanted to say na muling babalik sa dati ang lahat. All of you must go to your classes, no excuses. Mas magiging mahigpit kami sa pagbabantay sa inyo, lalo na sa nga taong nagbabalak na makalabas dito," bigla siyang tumingin sa direksyon namin kaya't natigilan ako. "I already told all of you na wala nang makakalabas sa inyo kahit na anong gusto niyo. Four months nalang, at magkakaroon na ulit ng mga bagong estudyante ang Cursydian. Hindi ba't nakaka-excite? New students, new friends," mahina siyang natawa pero kaagad ding sumeryoso ang mukha. "And as long as I'm alive, no one is aloud to leave. Wala man ako sa lahat ng lugar sa paaralan na ito pero may mga mata ako. So better shut your mouth and keep your secrets."

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now