CHAPTER 23

108 13 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE: Finally

Gwen's POV



"Sigurado ka ba na makakabalik tayo bago ang plano ni Catherine?" tanong 'ko kay Monica habang naglalakad kaming dalawa papunta sa school building.

Walang masyadong tao sa hall o kahit saang parte ng school. Sa tingin 'ko ay lahat sila ay nasa Gymnasium, ini-enjoy iyong party kuno ni Catherine.

Nilingon ako ni Monica at bahagya lamang siyang tumango. Pagkasi naabutan kami ay siguro akong madadamay kami sa gulo. Hindi lang 'yon, mahihirapan kaming mai-takas sina Grace papalabas ng building kung maraming tao sa labas. Idagdag mo pa iyong pakana ni Catherine.

Pagkarating namin sa opisina ay kaagad na binuksan ni Monica ang pinto gamit ang susi niyang kinuha. Sa totoo lang ay hindi 'ko alam kung paano niya nagawang makuha iyon, kung gayong iniingatan iyon ni Catherine. I guess, Monica really has her own way. Nakakamangha.

Pagkapasok namin sa loob ay mabilis niyang ni-lock ang pintuan at doon naman dumeretso sa isa pang pinto na wari ko ay yung kulungan na sinasabi niya. Hindi 'ko naman naiwasan na ang pagmasdan ang buong paligid nitong opisina. Madilim, tahimik at higit sa lahat nakakatakot. Meron itong iba't-ibang disenyo ng kutsilyo at mga librong puno ng alikabok. Mukhang hindi marunong maglinis ang isang iyon.

"Dito, Gwen," ani Monica matapos na mabuksan ang pinto.

Kaagad akong napatakbo roon at mabilis na hinanap sina Grace. Halos mapatalon ako sa tuwa ng makita 'ko si Claire at Kiazelle. Pansin 'kong medyo namayat sila at ang dami nilang sugat sa braso't binti. Napasinghap ako bago sila nilapitan.

"Gweny! I miss you!" mangiyak-ngiyak na tugon ni Claire. "Gosh! I thought we'll die! Ms. Catherine is torturing us."

Mapait akong ngumiti, "Buti nga't hindi nangyari. Buhay parin kayo," sabi 'ko. "Si Grace-"

"Gwen.."

Tumigil ang pagtibok ng puso 'ko ng marinig ang nahihirapan na tinig na iyon. Napalingon ako sa katabing selda at alos mapataklob ako ng bibig ng makita 'ko si Grace.

"Grace!" napluhod ako. Pinigilan 'kong huwag maluha pero sa bigat ng nararamdaman 'ko ay hindi 'ko na napigilan pa. "Grace, iligtas namin kayo. Lalabas tayo rito, pangako."

Tumango-tango siya at hinawakan ang pisngi 'ko upang mapahid ang luha rito.

"Bakit ka umiiyak? Buhay pa naman ako," mahina siyang natawa. "Ayos pa 'ko oh, malakas pa."

Humikbi ako, "Kainis ka. Panira ka ng moment."

Humalakhak siya bago ako binigyan ng ngiti. Binuksan ni Monica ang bawat selda at masuwerte namin silang nailabas. Iyon nga lang, ramdam 'ko ang panghihina nilang lahat.

"My legs are weak," tugon ni Claire. "It's like I didn't eat for a week."

Tumaas ang kilay 'ko, "Hindi nga ba? Pinapakain pa kayo ni Catherine?"

Ngumuso siya't tumango, "Once a day. She's really evil."

Bumuntong hininga ako at inalalayan na lamang siyang makatayo. Buti nalang si Kiazelle ay may lakas pang makalakad kahit papaano. Si Monica ang umalalay kay Grace.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now