CHAPTER 07

151 13 0
                                    

CHAPTER SEVEN: Saklay

Ivan's POV



Nagising ako sa liwanag na nagmula sa bintana. Nakakagago nga dahil sinaraduhan 'ko naman iyan kagabi pero bumubukas nalang mag-isa. Baka minumulto na 'ko nong Lucas! 'Wag naman sana hoy! Alam 'kong gwapo ako pero kung dadalawin man ako ay 'wag namang multo!

"Tumayo ka na riyan, may masamang balita nanaman," nakangiwing bungad sa'kin ni Mark na abala sa pag-susuot ng polo niya.

"Sa ginagawa mo palang ngayon, tol. Alam 'kong masamang balita na. Na-late yata ako ng gising?!" giit 'ko at mabilis na kinuha ang mga gamit na kakailangan 'ko sa pagpasok.

"Ayos lang na ma-late," sabi niya. Kaya nilingon 'ko siya at napangiwi nalang ako. Wala nga pala ako sa ordinaryong paaralan. "Iyong masamang balita na sinasabi 'ko? May nakita nanamang bangkay sa CCTV room, babae."

Nanlaki ang mga mata 'ko, "Si Victoria ba 'yan?! Sabihin mo Oo! Bilis!"

"Victoria?" tinaasan niya 'ko ng isang kilay. "Hindi siya, pero ka-dorm niya."

Napangiwi ulit ako. Akala 'ko eh! Sayang naman.

"Ah gano'n ba?" sabi 'ko bago lumabas ng room at dumeretso ng banyo para maligo.

Mabilis lang ako roon, syempre wala na naman akong ibang gagawin. Lumabas na rin ako ng matapos ako, nakasalubong 'ko pa yung ibang estudyante na paalis na. Wala naman akong paki kasi ayos lang na ma-late.

"Wow! Hinintay niyo 'ko? Katats naman!" sabi 'ko matapos na maabutan sina Mark sa tapat ng room namin na naka tayo. Inismiran ako ni Gwen pati ni Claire. Yung Kiazelle naman ay pinagmasdan lang ako. Gwapo 'ko raw eh.

"Bilisan mo na," inis na sabi ni Gwen saka siya humalukipkip.

"Bilisan mo na," pang-gagaya 'ko. Syempre binulong 'ko lang. Baka sabunutan ako 'e.

Pagkalagay 'ko ng mga damit 'ko sa basket ay lumabas agad ako. Wala ng suklay-suklay pa, gwapo na 'ko. Baka madagdagan pa, eh 'di na-inlab sa'kin lahat ng babae sa school?

"Dalawa na ang nawala," sabi ni Claire nang makapasok kami sa school building. "Gosh! Baka tayo na ang kasunod! Omg."

"Ang nega mo naman!" sinapak 'ko siya. Kagigil eh.

"Aray! Inaano ba kita?!" singhal niya saka ako ginantihan ng kurot sa braso. Gago, masakit! "Alam mo navi? Sarap mong ibalibag!"

"Eh? Kung kaya mo!" ngumisi ako. "Kapag nasaktan ako, maraming babae ang magluluksa! At ikaw pa ang magiging kawawa!"

Sinamaan niya lang ako ng tingin at hindi na nagsalita. Halatang pikon. Humalakhak lang ako hanggang sa makarating kami sa room. Ayan nanaman, maraming bulungan. Nakakarindi.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now