CHAPTER 29

106 12 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE: Kutsilyo

Monica's POV






Nakatayo ako sa harap ng bintana habang pinagmamasdan ang building ng paaralan. Tahimik, mapayapa at kung pagmamasdan mo mabuti ay mapagkakamalan mo itong ligtas. Maraming sekreto ang paaralan na ito at alam 'kong hindi 'ko pa nalalaman ang iba pero umaasa ako na bago mangyari iyon ay makalabas na ang lahat dito. Dahil kung ako rin naman ang tatanungin ay ayaw 'kong may mapapahamak maliban sa'kin.

Sa ilang taon 'ko rito ay parang mas lumalala ang kadiliman na bumabalot sa pagkatao ni Catherine. Mas lalo siyang lumalakas at nababaliw. Kahit pa sabihin 'ko na dahil iyon sa principal pero kahit siguro wala siya ay lalakas parin siya--dahil ang paniniwala ng lahat ay delikado siya.

Buti ako ay hindi nagpapadala sa babaeng iyon. Sino ba siya sa akala niya para banggain ako? Sa tingin ba niya ay aatrasan 'ko ang pagiging masama niyang tao? Kung masama siya ay masama rin ako. Hindi ako magpapatalo dahil lang takot ako, magpapatalo ako kung iyon nalang ang paraan upang makalabas ang lahat dito.

Nanliit ang mga mata 'ko matapos makita ang isang senior na papalapit sa dorm namin. Hindi magandang ang kutob 'ko rito, hindi naman kasi pumunta ang mga iyan kung walang dahilan. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba, ako agad ang nakasalubong niya.

"Kailangan mo?" tumaas ang kilay 'ko, tila kinikilatis ang katayuan niya.

"Pinapatawag ang lahat ni ms. Catherine sa Hall. May importante siyang sasabihin," sagot niya.

"Iyon lang? Wala ng iba?" hindi parin ako kontento sa sinabi niya.

Natatakot akong baka may iba pa siyang gawin sa lahat. Wala talaga akong tiwala sa babaeng iyon. Basta ganito ay naninigurado muna ako. Ayaw 'kong may mapahamak lalo na't sa'kin umaasa ang lahat na mailigtas sila sa ano mang gulo.

"Iyon lang," walang emosyon niyang sabi. "Pasabi nalang sa mga kasamahan mo."

Tumango ako at pinanood siyang makalabas ng pinto. Hindi parin mawala ang pagkabahala 'ko sa sinabi niya. Ano kayang pakulo nanaman ito, Catherine? Bakit parang hindi maganda ang kutob 'ko?

Inisa-isa 'ko ang kuwarto ng lahat at sinabi sa kanila ang anunsyo. Lahat sila ay nagulat at pinangunahan ng takot. Pero hindi 'ko na sila pinilit pa, hindi naman mahahalata nong matanda na iyon kung kakaunti kami. Makita lang ako no'n ay kampanti na iyon, nakakadiri.

Huli 'kong sinabi ang anunsyo kay na Gwen. Nagtipon kami sa living room at saka 'ko lang sinabi sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa sinabi 'ko, at katulad ng iba ay nakitaan 'ko sila mg takot.

"The hell? Seryoso ka?" hindi naiwasan ni Claire na panlakihan ako ng mata. "No way! Hindi ako pupunta! Baka makita niya pa 'ko tapos ikulong ulit."

"Hmm, dito nalang din ako," sabi naman ni Grace. "Dito na muna kami nila Claire. Sa tingin 'ko mas magiging ligtas kami kung hindi kami sasama. Alam mo naman, mainit ang dugo noon sa'kin."

"Sige lang, naiintindihan 'ko," sabi 'ko bago nilapatan ng tingin sina Gwen. "Kayong mga sasama, kunin niyo na mga ID niyo. Magkita-kita tayo rito."

Tumango sila at nagsi akyatang muli sa kani-kanilang mga kuwarto. Nagpaiwan sina Claire at Grace rito sa living room. Umakyat na rin muna ako sa kuwarto para kunin ang ID 'ko, naabutan 'ko si Gwen na abala sa paghahanap ng kung anong bagay sa bag niya.

"Ano nanaman kayang meron?" tanong niya. "Sa tingin mo? Tungkol 'to sa'tin?"

Tumalikod ako sa kanya at nagkibit balikat. Pero sigurado akong baka may kinalaman ito SA'KIN. Kilala 'ko iyong matanda na iyon, kapag hindi tungkol sa paaralan ang pag-uusapan ay tungkol sa'kin. Hindi niya masabi iyon sa harapan 'ko 'e kaya minsan ay nagpaparinig lang siya. Nakakatawa nga dahil minsan naduduwag siya sa'kin.

The Curse Of Cursydian University (Completed)Where stories live. Discover now