May Pamilee

1K 40 9
                                    

"Viviana, kanino tong Ford sa garahe?!"

Napalayo siya kay Ito dahil sa boses na yon. Hindi niya inaasahang may dadating.

Tangina. May first kiss na sana! Tas jerjer na after! Bwisit!

"Hindi makapasok tong elf natin! May dala akong bagong katay na bab--Aba't may kasama ka pala." Entrada ni Tita Ana. Tumigil ito nang makita sila. 

"Hindi ka nagsasabi. Sino ba yan, boypren mo?"

"Tita." Tumayo siya sa upuan. Nakaramdam pa siya ng hilo, mabuti at naalalayan siya ni Ito.

Kasunod ng madrasta si Germalyn. Namamaga ang mga mata at mukhang kakagaling lang sa iyak.

"Akyat o lulunurin kita sa baha sa labas!" Utos ni Tita Ana. Agad namang sumunod ang Germalyn pero mabibigat ang mga paa. Halos masira na ang hagdan nila. "Tangnang bata to, hahanap pa ng kakampi. Ang sinungaling talaga."

Mukhang alam na niya ang naganap.

"Inuwi ko na yang gagang yan dito. Sumusobra na sa tigas ng ulo. Nagdalawang isip na ako nung nalaman kong galing sa mani ng chocolate yung allergy si Miguel. Eh di ka naman kumakain non. Sayo pa binintang , tanga din, eh. Tapos itong si Graciela naman, isa pang gaga. Naturingang ina, inuna pa yung paglalakwatsa."

Huminga siya nang malalim. Walang pigil talaga magsalita ang madrasta. Di siya makasingit. To think na kakadating palang nito sa bahay nila.

"At ikaw, Viviana. Hindi ba't kabilinbilinan ko sa sayo na wag na wag mong kukunsintihin yang mga kapatid mo? Ikaw ang panganay, dapat ikaw ang nagdi-disiplina. Kaya tinutubuan ng sungay yang mga yan."

Tumango nalang siya ng pilit. Matanda na siya pero nakakahiya paring mapagalitan ng ganoon. Lalo na't andoon si Ito.

Kainis.

Napahawak siya sa noo. Nahilo siya nang slight. Kumunot naman ang mukha ni Tita Ana nang makita yon. "Aba't! Ano na naman ba nangyari sa pagmumukha mo?! Ano yang asa ulo mo?!" 

Dumako ang mga mata doon sa bendang nasa ulo niya. Tapos lumapit at inangat ang baba niya. 

"Tita kas-"

"Ano to?! Susmaryosep naman Viviana! Ganda na nga lang ang puhunan mo dahil di ka na nabiyayaan ng tangkad masisira pa? Buhay ka pa ba? Ba't di ka nagpadala sa ospital?"

"I took care of her, po." Sabat na ni Ito.

Saglit namang napatigil si Tita Ana at napalayo sa kanya. Napatikhim pa. Naglabas pa nang pamaypay at nagpaypay sa sarili. Nalakihan siguro saka natakot sa boses ni Ito.

"Hmm...O ano na, Viviana? Hindi mo ba ako ipapakilala sa boypren mo." Tuloy ni Tita Ana. Mas malumanay ang pagkakasabi noon.

Ehem ha. Minsan di talaga niya ito maintindihan. Iniisip nalang niyang nag-me-menopause na.

"Tita, si Ito po. Da--I mean Ito, si Tita Ana. Stepmother ko."

"Good morning po." Sabi naman ni Ito. Lumapit pa ito kay Tita Ana at nagmano.

Tinaasan naman ito ng kilay ng madrasta. Naalala nga niyang ayaw nitong napaghahalataan ng edad. Naoffend ata dahil nagmano si Ito

"Magalang." Ismid ni Tita Ana. "May kaya ka no? Mamahalin ang sasakyan mo. Ano trabaho mo? San ka nakatira? Ilang taon ka na? May hacienda ka? Kaya mong buhayin tong anak-anakan ko at magiging anak niya sayo?"

"Tita..." Gusto niya sanang sawayin. Sobra na kasi ang pagkaprangka. Wala pa ngang ginagawa eh, anak agad. Ang sama kasi ng timing.

Saka nalito din siya. Hindi naman ganoon ka high end ang sasakyan ni Ito na nasakyan niya noon. Kia yon na pula katulad kay Byron. Iba yata ang dala nito kagabi.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now