The Reveal

923 39 12
                                    

"Daddy, wer na yu?"

Napakagat ng labi si Vivi. Sumenyas siya sa mga kasama na itigil muna ang ginagawa para di mag-ingay.

Nag-aayos dito sila ngayon sa apartment ni Ito. May pa-surprise siya ngayong birthday nito. Nakahanda na yung balloons na nakasabit sa kisame. Pati na rin yung ibang decorations.

Buti nga at naka-convince niya si Rose na maki-join sa kanila. Nahiram niya yung susi nung apartment ni Ito. Dadating na rin yon maya-maya dala na yung cake kasama si Buddy na may dala namang handa. In-invite sana din niya si Miss Carrie kaso sabi nung asawa medyo maselan ang lagay nung baby kaya bedrest muna.

"Ah. Sorry Vivi. Nandito pa ako sa resto pero papatapos na rin naman. Papauwi na ako, mga thirty minutes." Dinig niyang sagot ni Ito sa kabilang linya.

OMG. Napatakip siya ng bibig. Thirty minutes. Di niya alam kung matatapos sila on time. Wala pa yung foods. Natrapik.

"I-It's ok, Daddy. Take your time. Wag kang magmadali ha." Napasukbit pa siya ng buhok sa tenga.

Huminga siya nang malalim. Jusko, ilang party na naayos niya. Naglalakihan pa. Pero ngayon siya nakakaramdam nang ganitong kaba.

"Alright..sandali naman ito. Sasamahan na kita." Sabi naman ni Ito. "I can't wait to see you, baby."

Shet. Shuta. Gusto niyang tumili. Kaso bigla niyang natanaw ang mga kaibigang nakatitig sa kanya. Nakataas ang mga kilay.

"Ay...yes..yes Daddy. See you!" Aniya sabay patay ng tawag.

"Lande-lande ng Vivi na yarn.." Sambit ni Byron. Tapos nakipag-appear pa kay Pilar. "May pa daddey pa...ayieeh."

"Korak bakla! Ayyyy wasakan na yan laturrrr!"

"Shuta may ganun?" Sambit niya kahit sobrang init na nang pisngi. Ang lalakas mang-asar talaga.

Napatingin siya sa nakasabit sa taas na may nakasabit na Happy Birthday na banner. Black and gold ang theme non.

"Yan, ok na yan. Intayin nalang muna natin yung cake. San na si Joey, By?"

"Bumili ng drinks dala yung van mo. Pabalik na yon. Dyan lang naman sa kanto."

Tumango naman siya.

Medyo ok na pala. Ready na halos. Sana lang magustuhan ni Ito. Medyo napagastos siya dito pero keri lang kasi minsan lang naman.

"Bakla retouch muna kita." Bulong ni Pilar sa kanya. Hinila siya sa gilid at pinaupo. Nilabas nito ang make-up kit. "Kailangan blooming ka. No way haharap ka kay Daddy Ito ng Haggardo Verzosa. Me eyebags ka? Natulog ka ba?"

"Onti lang eh." Ngumiwi siya. Tatlong oras lang ang tulog niya kaninang umaga. May event nung gabi kaya late na siya nakauwi. Naglinis pa siya ng bahay. Tapos eto nga, dahil sa sobrang excited niya sa birthday ni Ito kaya ala sais palang ng umaga bumangon na siya.

"Pano ka kekerengkeng niyan mamaya. My goodness! Kailangan ng energy."

Natawa naman siya. Ang supportive lang ng mga hitad. Sinamahan pa siyang mamili ng gamit saka mag-decorate. Pati nga isusuot niya ngayon, sila na namili.

Black lace na lingerie. Super push up pa nung bra kaya alive na alive ang cleavage niya. Tapos lace thong na halos tali lang. Medyo may kamahalan nga para sa kapirasong yon.

Pero syempre naka-knee length dress parin siya ngayon. Pabebe. Conservative pero pokpok in the inside.

Kailangang may maganap na mamayang gabi. Ilang months na siyang tigang.

Yun yung gift niya. Ihahain niya ang kanyang sarili, char!

"Yung bilin ko sayo, Vivi ha. Lunok ha. Lunok. Love nila yun." Sabi ni Pilar habang nilalagyan siya ng blush.

"Hah?" Anong lulunukin?

"Ganun yun. Pag mahal mo, lunukin mo. Di ba, By."

"Ba't mo ako dinamay dyan, gaga." Sagot naman ni Byron na niligpit na yung ibang di kailangang display. Nagmamadali na din.

"Eh, ikaw kaya magaling lumunok no!"

Natawa siya lalo. Pinamulhan naman kasi ng mukha itong si Byron. Pero jusko pano niya gagawin yon?

"Parang di naman kasya sa mouth ko. Kasing taba yun ng wrist ko, oh. Saka pag nagswallow ako lalampas yun sa esophagus. I kennat." Aniya.

Tumigil naman si Pilar sa pagdutdot sa mukha niya. Dahan-dahan pa itong lumingon kay Byron na nakakanganga na ngayon. Nagtitigan na parang may revelation na nangyari.

Pagtapos nang ilang seconds nagtitili ang dalawa nang malakas. Naghawak-kamay pa at nagtatalon.

"Wagi! Wagi si Vivi natin!" Tili ni Byron.

"Nakabingwit ng daks!" Sabay naman ni Pilar.

"Puta...mga bakla!" Saway niya sa mga kaibigan.

Ang ingay. Baka makaistorbo na sa kabilang unit at ikanta pa sila. Surprise dapat ito.

"Huys!" Jusko naman kasi. Ano ba yung lumabas sa bibig. Hindi naman niya sinasadyang mai-reveal yung size ni Ito.

"Shutaca, Vivi. Wag mo sabihing may naganap talaga nung birthday mo."

"Like shet! Oo nga By! Kaya iika-ikang maglakad. Naisuko na di lang Bataan. Pati buong kapuluan!" Sabi ni Pilar.

"Paksyet ka Viviana Vittoria! Deny to death ka pa noon." Sabi ni Byron sa kanya.

"Ihhh. Sorna naman." Wala na rin naman dahilan para itago pa niya, nasabi na. Saka lalo lang mangungulit sa details ang mga to.

"Andon sina Tita no. Saka narinig niyo naman, ipakakasal na ko agad. Baka sabihin ni Ito pinipikot ko siya."

Tumayo siyo sa silya. Sumulyap siya sa phone para tingnan ang oras. Hala. Fifteen minutes nalang. Wala pa sina Rose.

"And so? Mukhang willing naman si Daddy mo."

"Di pa ako ready, nung time na yon." Sagot naman niya kay Byron.

Biglang nagtitili uli ang dalawang kaibigan. Parang kinikiliti ang mga singit.

Jusko, na stress na nga siya kasi paparating na si Ito, di pa complete ang handa tapos ang gugulo pa ng mga ito.

"Ayiee ngayon ready na ang Vivi natin!" Ani Byron.

Napangiwi siya at umiling nang malakas. Kinilabutan tuloy siya. "No! No nga! Di nga keri yung lunok, nu ba?!"

Nakurot tuloy siya ni Pilar sa tagiliran. "Di yong buong titi niya lulunukin mo mamaya, shonga! Kaya mo yun pero kailangan mo nang matinding practice!" Sabi pa nito.

"Yung shomod, shutaca. Pagtapos mong i-BJ si Daddy Ito, lulunukin mo yung shomod."

Napatakip siya sa bibig. Ang halay. Pero...di nga?

"Kaya mo yon. Di ka na rin mahihirapan, di mo na kailangan lumuhod."

"Gaga ka talaga, Pilar!"

"Naku Vivi. Di naman lang yun yung ibig naming sabihin. Kung ready ka na sa relationship.." Sabat ni Byron. "Hanuna? Magkaka-label na ba?"

Napabuntong-hininga siya. Yung nga...matapos niyang mapag-isipan nang mabuti, sa tingin niya ok naman yung advice ng dalawa. Kahit di pa siya sigurado talaga sa feelings niya wala naman sigurong masamang i-try

Hindi na landian lang. Hindi na...

Napalingon siya nang bumukas ang pinto. Halos napatalon pa siya dahil akala niya si Ito na yung dumating. Pero napakunot siya ng noo nang makilala ang pumasok.

"Oh..what is this? Naunahan tayo?"

Kristina?

May mga kasama pa ito. May dalang mga lobo na pink at blue. May nakasunod ding may hawak na go pro na kinukuhaan ang lahat nang kilos nila.

Nagkatinginan uli sina Pilar at Byron. Nagbulungan pa.

"Inimbita mo?"

"Shuta. Hindi no."

Pero di na niya pinansin ang dalawa. Nakatuon ang tingin niya kay Kristina.

Saka doon sa nakaumbok na tyan nito.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon