Daddy

4.2K 71 42
                                    

"So, ano na?" Tanong ni Vivi sa katabi. "Ummm..."

Ano nga ba pangalan nitong kapreng to?

"Carlito, diba?"

Jusko pang kontrabida pangalan talaga, naisip niya. Pang pinuno ng sindikato. Yung maraming mga tauhan tapos tatawagin "mga bata"

"Ito nalang." Sagot nito. Seryosong-seryoso.

Ito...Yep. Mas ok. Mas tunog mayaman.

Mabuti naman at ang volunteer na itong ihatid siya. Medyo kapakalan din yon ng mukha dahil siya na nga ang nang-abala. Pero wala naman siyang magagawa. Ni wala nga siyang perang pamasahe. Maski cellphone. Hindi niya nadala ang bag niya. Buti nga at pinahiram siya nito kanina at nakatawag sa mga kapatid sa bahay para sabihing safe siya.

"Yung number ko asa'yo na. Kung may reklamo, ka tumawag ka agad." Sabi ni Ito. "Pero promise wala talagang nangyari, wala akong ginawa sayong kahit ano."

Naningkit ang mga mata niya.

"Kahit ano? Hindi mo talaga ako minolestya? Di mo man lang pinisil dede ko? Di mo sinilip pekpek ko?"

Ngumiwi ito. "Hindi nga. Kaya nga tinatanong kita kanina kung gusto mo pa magpa-medical kung di nagtitiwala."

Ah so yun pala yun. Sabagay wala namang talagang masakit. "Eh ba't na nakahubo kanina?"

Nakapakusot ito ng ilong. "Sinukahan mo T-shirt ko kaya ako naghubad. Dapat sa lapag ako matutulog kaso ayaw mo akong bitawan kagabi."

"Anong ayaw bitawan?" Tanong niya uli.

Hala wala talaga siyang matandaan. Pero alam niya nanaginip siya na may hinahabol siyang teddy bear. Sabagay, mabuhok nga naman 'tong mamang to. Mukha talagang bear.

"Di ako alam. Dapat aalis na ako doon kapag lumalim na uli tulog mo. Kaso nakatulog na rin pala ako sa pagod. Di ko naman akalaing mauuna kang magising."

"Ah.. ok." Sabi niya. So wala talaga.

May ganoon pala talagang lalaki. Baka badingers din?

Hmm. Parang hindi naman kasi may kausap na jowa kanina. Baka loyal lang talaga.

Swerte ni girl. Sana ol.

"Nagsumbong sa mga pulis mga kasama mo?" Tanong nito sa kanya.

Tumango naman siya.

Si Byron kasi na luka-luka, nagpanic pala nung di siya madatnan sa kotse nila. Tapos si Pilar, tri-ny pa daw siyang tawagan pero dahil sa sobrang kashongaan at kalasingan, naiwan niya yung gamit niya sa table na pinag-inuman nila. Ayun ang mga bakla, mega-call sa mga cops.

"Ay...ok na yon, wag mo nang intindihin. Nakausap na nila. Hinatid na rin sa bahay yung gamit ko." Sabi niya.

Grabeng abala na talaga bitbit niya, naisip niya. Di na talaga yon mauulit.

"Magkano ba damage ko?" Tanong niya.

"Ha?"

"Hakdog." Aniya sabay ngiwi. Gantihan lang. Hinatdog siya nito kanina.

"I mean magkano need mo, pambayad sa abalang ginawa ko."

Di naman siguro aabot ng daang libo ito no? Willing naman siyang mag-pay. Saka kausapin din niya yung girlfriend para makapagpaliwanag kung kailangan.

Umiling si Ito pero nakatingin parin sa daan. Kumunot pa ang noo at nag-flex ang panga.

Nakaka-amaze. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon sa totoong buhay. Sa libro lang niya yon nababasa. Nakaka-macho nga tingnan.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon