Make Tusok Here

1.7K 48 8
                                    


Bakit lumilindol?

Napakunot ang noo ni Vivi nang magmulat ang mga mata. Umiikot ang paligid. Umaalon. Para din siyang nasusuka.

"Nakuha ko na. Salamat."

Alam niyang galing siyang hospital. Tapos umulan Nawalan siya nang malay sa daan.

Patay na ba ako?

Baka.

Nakikita na niya si Jesus na sa tabi. Pero bakit wala itong damit.

In fairness. Ang macho. Mabuhok-buhok. May tattoo pa.

Napapikit siya uli. Jusko, ano ba tong iniisip ko?

Pinagnanasaan pa talaga niya. Minus one hundred ligtas points na talaga. Lagot siya kay Mama Mary. Hindi na siya makakapsok sa heaven. Susunduin na talaga siya mamaya ni Lucifer.

"Dehydrated, oo. Thirty-nine. Yes, meron na dito. Salamat sa kit, Osang."

Osang? Sinong Osang?

"Asan...san na po ako?" Paos niyang sambit. Pero parang di ata siya nadinig.

Sinubukan niyang bumangon. Marahan niyang inalis ang makapal na kumot na nakapatong sa kanya.

Nakapajama na siya. Yung kulay pink na nakatambak sa kabinet niya. Hindi naman yun ang suot niya kanina.

"Shh. Vivi, just lay down."

Ito?

Napahawak siya sa noo. Napansin niyang may benda doon. Mahapdi. May sugat.

"Anong n-nangyari...san na ako? Di pa ako patay?" Nanghihina niyang tanong. "Hindi ikaw si Jesus?"

Tumawa ito. "Mahiga ka muna. Nakita kita sa daan kanina."

Si Ito nga talaga. Mukha kasing santo kaya napagkamalan niyang poon. Bakit ba ito nandito?

"Na-Nasaan ako?" Napahiga nalang siya uli. Umiikot talaga ang paligid. Nasusuka na siya.

"Sa bahay niyo. Pinasok na kita. Bukas kasi yung pinto niyo."

Sana all pinasukan...wait.

Naiwan nga niyang di naka-lock yung pinto. Sana di sila nanakawan.

Napatakip siya ng bibig. Nasusuka na naman siya. Dudukwang pa sana siya sa gilid ng kama pero nakahanda na yung maliit na palanggana para sukahan.

Halos wala rin siyang mailabas. Wala pa siyang nakakain buong araw. Puro kape lang.

"O-ok na..." Sabi niya. Marahan niyang inilayo yung palanggana.

"Sabi na." Sabi lang ni Ito. Ibinaba na nito yung nasukahan niya. "Ni ready ko na. Sinukahan mo rin kasi yung sasakyan ko kanina."

Kanina. Wala siyang matandaan. Pero oo nga parang napanaginipan nga niya to. Palagi naman kasing nagpapakita sa panaginip niya kaya akala niya di totoo. Lagi pa niyang tinatawag na Daddy.

"Saan ka ba galing?"

"Sa Medical City."

"At naglakad ka mula doon? Ang layo noon. No wonder." Sabi nito sabay iling.

Napangiwi siya ng slight. Sisiw lang naman sa kanya yung paglalakad. Nakakapag fun run nga siya. Wala lang siya sa kondisyon kanina.

Napatingin siya uli kay Ito. Basa ang buhok nito. Basa din ang hubong katawan. May kinakalikot na na kung ano sa side table niya.

"Tumawag pala si Miss Angelu sa phone mo. Ako na ang sumagot. Siya na nagsabing alagaan kita muna dito."

Napapikit siya ng mariin. Bugaw talaga ang tiyahin niya. Pinagkatiwala talaga siya kay Ito. Kaya pala parang feel at home itong isa dahil may basbas.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя